• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P175K shabu, nasabat sa tulak sa Malabon

ISANG bagong identified drug pusher ang timbig matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu makaraang maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si alyas “Dagul”, 46, at residente ng Caloocan City.

 

 

Ayon kay Col. Baybayan, dakong alas-10:50 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang suspek sa P. Aquino Avenue, Brgy. Tonsuya matapos umanong bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer ng droga.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 25.8 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P175, 440.00 at buy bust money.

 

 

Ani Col. Baybayan, bago ang pagkakaaresto sa suspek ay nakatanggap ng impormasyon ang SDEU hinggil sa umano’y pagbebenta nito ng shabu kaya ikinasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay ‘Dagul’.

 

 

Pinapurihan naman ni NPD Director Ligan ang Malabon police sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaeesto sa suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Mag live-in partner, 1 pa, timbog sa buy bust sa Valenzuela

    TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang mag live-in partner ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.     Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang mga naarestong suspek na sina Mark Anthony David, alyas “Mak”, 37, motorcycle mechanic, live-in […]

  • Go with the flow na lang sila ni Mikael: MEGAN, ‘di nilalagyan ng date kung kailan mabubuntis

    MAHIGIT tatlong taon ng mag-asawa sina Megan Young at Mikael Daez, January 25, 2020 sila ikinasal, kaya naman hanggang ngayon ay inaabangan pa rin ng publiko kung kailan sila magkakaroon ng anak.   “Eto na… hintayin niyo pa lalo,” ang bulalas ni Megan.   “Hindi mo nilalagyan ng date ang mga ganyan, nangyayari lang talaga. […]

  • BI NAGSAGAWA NG SORPRESANG PAGSALAKAY SA LOOB NG BI FACILITY

    NAGSAGAWA ng sorpresang pagsalakay ang mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa mga nakakulong sa kanilang warden facility (BIWF) sa Taguig City.     Kabilang sa mga nagsagawa ng sorpresang pagsalakay na tinawag na “Greyhound Operation”  ay ang  BIWF management, mga opsiyal mila sa BI Intelligence Division gayundin ang BI Anti-Terrorist Group sa koordinasyon […]