P19.65B, nagastos ng DoH para sa benepisyo ng mga health workers
- Published on December 28, 2022
- by @peoplesbalita
PUMALO na sa P19.65 billion ang nagastos ng Department of Health (DoH) para sa benepisyo ng mga healthcare workers.
Base sa DOH accomplishment report para sa buwan ng Hulyo at Disyembre na ipinresenta sa Palasyo ng Malakanyang, makikita rito na kabilang ang active hazard pay sa benepisyo na ibinigay sa medical personnel.
Iniulat din ng DOH ang probisyon ng One COVID Allowance o Health Emergency Allowance para sa 1,624,045 healthcare workers at special risk allowance para sa 73,711 manggagawa.
Nauna rito, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bukas ang Office of the President (OP) para sa dayalogo para pag-usapan ang mga usapin na may kinalaman sa hinaing ng mga nurse at iba pang healthcare workers.
Naniniwala ang Chief Executive na ang benepisyo na ipinagkakaloob sa mga nurse ay hindi sapat lalo pa’t hindi matatawaran ang serbisyo at sakripisyo ng mga ito para masiguro ang kalusugan ng publiko.
Samantala, winika pa ng DOH na may 1,430,286 karagdagang pasyente ang naserbisyuhan ngayong taong 2022, na may karagdagang tulong na pumapalo sa P16.6 billion.
Ang DOH din ay nagkaloob ng P11.24 billion na medical assistance sa 1,878,650 pasyente sa pamamagitan ng Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP) program “as of November of this year.”
Namahagi rin ito ng P468.59 milyong halaga ng tulong sa lahat ng rehiyon para sa Disaster Risk Reduction and Management in Health (DRRM-H) activities at nagtatag ng karagdagang 40 functional specialty centers, Tinatayang nasa 46 na ang kabuuang bilang ng specialty facilities sa buong bansa.
“When it comes to vaccination rate, an additional 3,100,258 individuals have been vaccinated against COVID-19, bringing the official tally of fully vaccinated Filipinos to 73,713,573,” ayon sa DoH.
“On the other hand, some 6,068,268 Filipinos received their first booster, raising the tally to 21,047,212. Meanwhile, a total of 2,843,537 got their second booster shot, increasing the total to 3,691,412 individuals,” dagdag na pahayag ng DoH.
Iniulat din ng DoH ang “ongoing organizational development activities para sa rightsizing, decoupling ng alert level system mula restriksyon at ang institutionalization ng e-Arrival system.”
Ayon pa rin sa DoH, “the e-Arrival card, which aims for a faster completion of the traveler registration process, “fulfills part of the Marcos administration’s plan to ease the country’s stringent entry protocols in order to attract more tourists.” (Daris Jose)
-
Doctor Strange’s Benedict Wong, Excited To Return For ‘Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings’
Doctor Strange’s Benedict Wong talks his excitement to return to the Marvel Cinematic Universe as Wong in Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings. Wong first made his MCU debut as the librarian of Kamar-Taj in 2016’s Doctor Strange, with his role deviated from the comics as a teacher of the new Sorcerer Supreme rather […]
-
Kahit bad trip, ‘di malilimutan ang muling pagbisita: MICHAEL V, idinaan na lang sa biro ang pagkakaroon uli ng Covid-19
NAGBIRO pa si Michael V. sa Instagram post niya na “ROUND 2… FIGHT!” “Nakatanggap ako ng notification from my old friend, Covid. Matagal na kaming hindi nagkikita. Actually sinabihan ko na s’ya na ‘wag nang bumalik pero eto na naman s’ya… magha-“HI” lang daw at magpapa-alaala na nandito lang s’ya sa tabi-tabi. Hindi […]
-
GERMAN NATIONAL, ARESTADO SA MULTI-MILLION-EURO SCAM
NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Israeli national na nahaharap sa 200 na reklamo na isinampa ng mga German victim dahil sa kasong sangkot sa multi-million -euro investment scam. Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, si Kfir Levy, 43 ay kasalukuyang naka-detain sa BI Custodial Center matapos itong naaresto sa […]