• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P2-M HALAGA NG MARIJUNA HULI NG QCPD MULA SA DALAWANG TULAK

HULI ng Quezon City police District (QCPD) Station -4 Novaliches  ang dalawang lalaki sa isang buy-bust operation sa Barangay Bag-bag Novaliches Q.C.

 

Kinilala nina QCPD Chief B.Gen. Danilo Macerin at Lt.Col Richard Ang, ang mga suspek na sina Daryl Collera, 24 taong gulang at Murray Comot, 29 taong gulang.

 

Narekober  mula sa dalawa ang 20 nakapaketeng marijuana na balot ng packaging tape na tumitimbang ng 20 kilo nat may street value na aabot sa P2.4-M  isang unit ng cellphone at buy-bust money. Bago ang naturang operasyon ay naka bili na ng halagang P200,000 na marijuana ang isang under cover agent ng QCPD, at nang mag psoitibo ito ay ikinasa na ang naturang buy-bust ops.

 

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng dalawang suspek. (RONALDO QUINIO)

Other News
  • Pamahalaang Panlalawigan, pumirma ng MOA kasama ang BSEC, tatanggapin ang bahagi ng lalawigan sa kanilang kabuuang kita sa kuryente

    NAKATAKDANG tanggapin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando ang naipong halaga na humigit-kumulang P100,000 mula sa Bulacan Solar Energy Corporation bilang bahagi ng lalawigan mula sa kanilang kabuuang electricity sales simula 2016 matapos na pumirma ang dalawa sa Memorandum of Agreement alinsunod sa Energy Regulations No. 1-94.   Ang […]

  • ARJO ATAYDE, NAGPAKITA NG SUPORTA SA BARANGAY VASRA

    BUMISITA kamakailan si Arjo Atayde sa  Barangay Vasra, Quezon City upang tumulong sa proyektong Community Feeding ni Mayor Joy Belmonte ng Lungsod na ito.     Siya ay sinalubong ng mga nanay ng taga-Day Care Center kasama ang kanilang Barangay Kagawad na si Ding Antenor, bukod pa rito ay bumaba rin sa iba’t ibang barangay […]

  • Ads October 11, 2023