• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P20 milyong shabu nasamsam ng PNP, PDEA

UMISKOR  ang pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang maaresto ang dalawang big-time drug traffickers kung saan nasamsam sa kanila ang nasa tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng  mahigit P20 milyon sa isinagawang drugs operation sa Quezon City, kamakalawa.

 

 

Kinilala ni PNP Chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang mga nasakoteng suspects na sina Jhon Lester Manipol, 24 at Jerome Labita, 20.

 

 

Sinabi ni Azurin na bago ang operasyon ay isinailalim muna sa masusing surveillance operations ang mga suspect matapos na makatanggap ng report sa aktibong pagtutulak ng mga ito ng shabu.

 

 

Inihayag ng opisyal na ang operasyon ay isinagawa ng iba’t-ibang police units sa Quezon City, National Capital Region Police Office (NCRPO) at National Headquarters sa Camp Crame katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency sa isang lugar sa Quezon City.

 

 

Hindi na nakapalag ang mga target matapos ang mga itong kumagat sa anti-illegal drug operations ng mga awtoridad.

 

 

“The established connection among the operatives made it easier for them to work together. We aim to continue this smooth workflow in our future operations,” pahayag ni Azurin.

 

 

Nagpapatuloy naman ang pinalakas na anti-illegal drug operations ng pulisya sa iba’t ibang dako ng bansa.

Other News
  • Jo Koy’s “Easter Sunday” With All-star Fil-Am Comedic Cast, Celebrates Pinoy Culture

    STAND-UP comedy sensation Jo Koy (Jo Koy: In His Elements, Jo Koy: Comin’ in Hot) stars as a man returning home for an Easter celebration with his riotous, bickering, eating, drinking, laughing, loving family, in this love letter to his Filipino-American community.     Check out the hilarious trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=ivv36l25jgU     Easter Sunday […]

  • Pres. Duterte may tulong na ibibigay sa mga locally stranded individuals

    Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Transportation (DoTr) Secretary Arthur Tugade, na gumawa ng paraan para magkaroon ng maraming upuan sa mga Ninoy Aquino International Airport para ang mga stranded na pasahero na gusto ng umuwi.   May kaugnayan ito sa maraming mga locally stranded individuals na doon na sa gilid ng kalsada […]

  • Ads December 13, 2022