• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P3 MILYON SHABU NASAMSAM SA BUY BUST SA QUIAPO

TINATAYANG halos P3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at pagkakaaresto ng tatlong indibidwal sa isinagawang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement  Agency (PDEA)  sa Quiapo, Maynila.

Nakuha sa mga suspek ang nasa 500 gramo ngh hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng halos 3 milyong piso.

Nakilala ang mga suspek na sina Fatima Ampatuac, Jamila Mapandi at Abul  Mapandi .

Sa inisyal na impormasyon,pinangunahan ng  PDEA Regional Office 3 ang nasabing operasyon laban sa mga suspek.

Nauna  rito, hindi umano natuloy ang nakatakda sanang transaksyon  noong nakaraang linggo kung saan mula sa San Fernando Pampanga ay dinala sa Maynila ang abutan ng illegal na droga.

Dakong alas-1:00  ng tanghali nang maaresto ang mga suspek sa bahagi ng Raon sa Quiapo.

Nakuha rin sa mga suspek ang isang libong pisong buy bust money kasama ang 2 milyong pisong boodle money na ginamit para malambat  ang mga suspek.

Nakatakda namang dalhin sa PDEA headquarters ang mga naarestong suspek. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Blackwater parurusahan ng PBA; iligal na nag-ensayo

    Nabisuhan ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial ang management ng Blackwater upang magpaliwanag kaugnay sa sinabi sa interview ng may-ari ng team sa national television na sumabak na sa workout ang Elite noong nakaraang linggo.   Sa sulat na pirmado ni Marcial na may petsang July 14 at naka-address  kay team governor Silliman […]

  • Ads September 22, 2022

  • MMDA, nag-deploy ng mga bus, military truck para sa ‘Libreng Sakay’

    PINAIGTING ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  ang kanilang  “Libreng Sakay”  sa kahabaan ng  Commonwealth Avenue sa  Quezon City upang ma- accommodate ang mas maraming mananakay lalo na ang mga estudyante matapos ang pagpapatuloy ng in-person classes.     Sa isinagawang  actual dispatch, sinabi ni MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga III na nag-deploy ang ahensiya […]