P4.5 trilyong national budget pirmado na ni Duterte
- Published on December 29, 2020
- by @peoplesbalita
Nilagdaan na kahapon, Dec 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.5 trilyon national budget para sa 2021.
Sumaksi sa paglagda ng 2021 General Appropriations Act ang ilang lider ng Senado at House of Representatives.
Nakapaloob din sa GAA ang alokasyon para sa COVID-19 vaccine na nagkakahalaga ng P72.5 bilyon.
Nasa P2.5 bilyon ng P72.5 bilyon ay nasa ilalim ng “programmed funds” ng Department of Health samantalang ang natitirang P70 bilyon ay nasa ilalim ng “unprogrammed funds” para sa Covid-19 vaccines kasama na ang pag-iimbakan at distribusyon.
Upang matiyak na matutugunan ang health care ng lahat ng Filipino, naglaan ng P71.4 bilyon para i-subsidize ang health insurance premiums ng 13 milyon na mga mahihirap na pamilya at pitong milyon na senior citizens.
Ang Human Resources para sa Health Program ay popondohan ng P16.6 bilyon para deployment ng doctors, nurses at iba pang health workers sa mga “disadvantaged communities” at national hospitals.
Sa pambansang pondo, pinakamalaki ang mapupunta sa Departments of Education (P708.18 bilyon), Public Works (P696.82 biyon), Health (P287.47 bilyon), Local Government (PHP247. bilyon), Defense (PHP205.47 bilyon), Social Welfare (P176.65 bilyon), Transportation (P87.44 bilyon), Agriculture (P68.62 bilyon), at Labor (P36.6 bilyon). (Daris Jose)
-
Bakunahan sa edad 5-11, inatras sa Pebrero 7
INIURONG ng Department of Health (DOH) ang petsa ng bakunahan para sa batang nasa 5-11 age group dahil sa logistical issue. “The roll out for vaccinating children aged 5-11 years old will be postponed for a few days due to logistical challenges,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Sa halip […]
-
Makati City gov’t kinontra ang naging findings na mataas ang kaso ng hawaan ng COVID-19
KINONTRA ng lungsod ng Makati ang inilabas na findings ng ilang eksperto na mataas ang kaso ng hawaan ng coronavirus sa nasabing lungsod. Sinabi ni Atty. Michael “Don” Camina ang tagapagsalita ng lungsod ng Makati, nagulat sila kung bakit nakasama sila sa OCTA Research Team na isa sila sa areas of concern. Base […]
-
Higit 500 market vendors, nabigyan ng libreng COVID-19 swab test sa Quezon City
Nakinabang sa libreng COVID-19 swab test ang may 549 vendors mula sa apat na private at public markets sa Quezon City sa pakikipagtulungan ng Project Ark. Sa naturang pagsusuri, 1 percent o walong katao ang nagpositibo sa virus mula sa mga vendors sa Frisco, Tandang Sora, Philand Dr., at Balintawak Market. Ang mga ito […]