• June 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P50 MILYONG PONDO IPINAG-KALOOB SA 10 OSPITAL SA LUNGSOD QUEZON

SAMPUNG ospital sa Lungsod Quezon ang pinagkalooban ng P50-milyong pondo sa ilalim ng medical access program (MAP) ni Senador Joel Villanueva nitong Miyerkules.

 

 

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Quezon City Mayor Belmonte “Ito ay talagang maliwanag na indikasyon ng kanilang unwavering commitment para matulungan ang buhay ng mga Pilipino.”

 

 

Ang punong ehekutibo ng Lungsod Quezon ay nagpahayag ng kanyang buong-pusong pasasalamat at pagkilala kay Senador Villanueva para sa P50-million pondo para sa medical access program para sa sampung ospital na matatagpuan sa siyudad.

 

 

“Kumpiyansa ako na malaking bahagi ng ating mga mamamayan ang makikinabang sa programang ito,” sabi ni Mayor Belmonte.

 

 

Sa kanyang panig, sinabi ni Villanueva na “sa lahat ng propesyon sa mundong ito, ang inyong propesyon sa inyo ako bilib na bilib.”

 

 

Dinagdag nya na ang mga health practitioners ay kailangang pag-aralang mabuti at asahan ang lahat ng scenarios ng kundisyon ng kalusugan ng isang pasyente bago isakatuparan ang kanilang tungkulin. “Sa kasalukuyan, 40 porsyento ang coverage ng PhilHealth (Philippine Health Insurance Corporation) sa ilalim ng Universal Health Care Act. Ang status po, binabalikat pa rin ng mga Pilipino ang 60 percent o mas malaki “out of pocket” ang ginagastos sa kanilang pangangailangang medikal,” sabi ni Villanueca.

 

 

Ayon kay Senate Majority Leader, ang Senado ay masigabong nagtatrabaho ngayon para maitaas sa mas mahigit 40 porsyento ang health coverage ng PhilHealth para sa mga Pilipino.

 

 

“Ang pondong ito ay magsilbing martilyo at chisel sa pagtulong nyo sa mga nangangailangang Pilipino,” sabi ni Villanueva.

 

 

Matatandaang si Villanueva ang pangunahing may-akda ng “Doktor para sa Bayan Act”.

 

 

Ang paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Health (DOH) at ng sampung ospital na matatagpuan sa Lungsod Quezon ay ginanap sa ika-labinlimang palapag ng High Rise Building ng Bulwagan ng Lungsod Quezon.

 

 

Sina Belmonte, Villanueva at DOH National Capital Region Regional Director Annie Sudiacal ay sumaksi at dumalo sa paglagda ng MOA at seremonya ng pagkakaloob, ayon sa pagkakasunod-sunod.

 

 

Ang sampung benepisaryong ospital na tumanggap ng tig-P5 milyong tseke kada isa ay ang East Avenue Memorial Medical Center, Lung Center of the Philippines, National Children’s Hospital, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Children’s Medical Center, Philippine Heart Center, Philippine Orthopedic Center, Quezon City General Hospital, Quirino Memorial Medical Center, at Veterans Memorial Medical Center. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Djokovic umatras na sa pagsabak sa Indian Wells at Miami Open

    UMATRAS na sa paglalaro sa Indian Wells at Miami Open si Serbian tennis star Novak Djokovic.     Ito ay dahil sa paghihigpit na US sa panuntunan laban sa COVID-19.     Nakasaad kasi sa panuntunan ng nasabing torneo na dapat ipakita ng mga manlalaro ang kanilang katibayan na sila ay naturukan na ng COVID-19 […]

  • “Ang ipinaglaban natin noong nakaraang eleksyon ay pagpupugay sa ating demokrasya” – Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS – “Ang ipinaglaban natin noong nakaraang eleksyon ay pagpupugay sa ating demokrasya laban sa pulitika ng pera at pwersa ng makapangyarihang sekta.”     Ito ang pahayag ni Gobernador Daniel R. Fernando sa kanyang talumpati sa Ika-124 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas na ginanap sa bakuran ng Simbahan ng Barasoain […]

  • Ads October 14, 2021