• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P500 na ayuda para sa mahihirap na pamilya, 3-mos. lang kakayaning ibigay ng gov’t – DBM

INAMIN ng Department of Budget and Management (DBM) na sa loob ng tatlong buwan pa lamang sa ngayon ang kayang maibigay ng pamahalaan para sa proposed P500 na buwanang subsidiya para sa mahihirap na pamilyang Pilipino dahil sa kaunti lamang ang pagkukunan ng pondo.

 

 

 

Sinigundahan ni acting Budget Secretary Tina Canda ang sentimyento ni Finance Secretary Carlos Dominguz III na siyang nagunguna sa paglalaan ng pananalapi para naturang programa dahil maaaring magkaroon ng problema sa pondo sa anim na buwan kung ipagpapatuloy ang pamamahagi ng P500 buwanang unconditional cash aid.

 

 

 

Kukunin aniya ang P500 na ibibigay sa loob ng tatlong buwan mula sa excess revenue na nakolekta ng DOF.

 

 

 

Ayon kay Canda, nakatakdang makatanggap ng cash aid ang nasa 13 million beneficiaries. Planong simulan ang pamamahagi ng subsidiya sa 4Ps sa susunod na buwan.

 

 

 

Ayon sa DBM, nasa P20 billion ang ilalaan para sa tatlong buwang pamamahagi ng P500 subsidy.

Other News
  • VP Sara, hindi deserve na ma-impeached-PBBM

    NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na hindi deserve ni  Vice President Sara Duterte  na  ma-i impeached sa kabila ng naging pahayag ng isang mambabatas na pinag-uusapan na ito ng  ilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.     “Binabantayan namin nang mabuti because we don’t want her to be impeached, we don’t want her […]

  • Mga Pinoy sa Cambodia ginawang crypto-scammer

    IBINUNYAG ni Sen. Risa Hontiveros ang human trafficking sa ilang mga Filipino sa Cambodia para maging scammer ng cryptocurrency.     Ito ang panibagong natuklasan ilang buwan lamang matapos na ibulgar din ni Hontiveros sa Senado ang kaparehong modus na bumibiktima sa mga Filipino sa ­Myanmar.     Ayon sa senadora, ang mga Pilipino na […]

  • Ads July 16, 2024