• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P50K sahod kada buwan, hirit ng Pinoy nurses

MULING nanawagan ang grupong Filipino Nurses United (FNU) sa gobyerno na pabutihin ang kundisyon ng mga nurse sa bansa, kabilang ang pagbibigay ng P50,000 basic salary kada buwan, upang mahikayat ang kanilang mga kasamahan na manatili sa Pilipinas.

 

 

Sa isang pahayag sinabi ng FNU ang hinihinging ‘entry salary’ na P50,000 sa pampubliko at pribadong nurses, ay makakatulong na mabuhay sila ng disente at katumbas umano ng krusyal na papel nila sa promosyon at proteksyon ng kalusugan ng mga Filipino.

 

 

Sa kasalukuyan, higit sa 100,000 nurses sa pribadong sektor ang sumasahod lamang umano ng P537 kada araw sa Metro Manila at mas mababa pa sa labas nito.  Mas mababa ito sa P570 na minimum wage sa NCR.

 

 

Sa mga pampublikong ospital naman, nasa P35,000 lamang ang ‘minimum salary’ na bagaman mas mataas ay matindi naman umano ang sakripisyo nila dahil sa rami ng trabaho at pasyente.

 

 

“Lahat kami sa go­vernment at nurses sa private sector ay medyo hirap talaga kaya ‘di niyo kami mapipigilan na umalis ng bansa kasi mas mataas ang ino-offer nila sa amin,” saad ni Ivan Paguio, pinuno ng FNU-San Lazaro Hospital.

 

 

Sinabi naman ni FNU vice presidente Elea­nor Nolasco na may pondo naman para dito ang pamahalaan. Maari umanong makuha ito sa ‘unprogrammard funds’ para sa pagtataas sa sahod at pagkuha pa ng dagdag na 42,000 nars para sa mga barangay health centers at 10,000 na mare-regular.

 

 

Nagpahayag naman ng suporta si Health officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa panawagan ng mga nurse at iginiit sa Department of Budget and Management at mga mambabatas na gumawa na ng hakbang para maisabatas ito. (Daris Jose)

Other News
  • May aklat na si Diaz

    PINABATID ng Rio de Janeiro, Brazil 31st Summer Olympic Games 2016 women’s weightlifting silver medalist na si Hidilyn Diaz ang nakatakdang paglabas ng kanyang aklat na may pamagat na “Ginto’t Pilak” hinggil sa sariling talambuhay.   Ginawa ng 29 na taong gulang, 4-11 ang taas at tubong Zamboanga City ang anunsiyo sa kanyang Instagram (@hidilyndiaz) post […]

  • Marcos camp nagmatigas vs electoral protest decision: ‘Only the 2nd cause of action

    Nagmatigas ang kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos na tanggapin ang desisyon ng Supreme Court na nagbasura sa kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.     Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, abogado ni Marcos, hindi pa tuluyang ibinabasura ng Korte Suprema, na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), ang protesta ng natalong […]

  • MEET MARY AND JOSEPH IN THE CHRISTMAS MUSICAL “JOURNEY TO BETHLEHEM,” SHOWING IN TIME FOR THE FEAST OF THE IMMACULATE CONCEPTION

    THIS Christmas season, sing along to the story of Mary and Joseph and the birth of Jesus with Journey to Bethlehem, a live-action Christmas musical adventure for the entire family that stars Fiona Palomo, Milo Manheim and Antonio Banderas as King Herod. The film, which weaves classic Christmas melodies with humor, faith, and new pop […]