P6.8 milyon halaga ng shabu nasamsam sa buy bust sa Caloocan
- Published on March 24, 2021
- by @peoplesbalita
Tinatayang nasa P6.8 milyon halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isang construction worker matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong suspek na si Masod Hadji Karim alyas “Bossing”, 36, (Pusher), Construction Worker ng Riverside, Phase 12, Brgy. 188, Tala.
Sa report ni Col. Mina kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Nelson Bondoc, dakong 4:40 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RMFB-NRCPO sa pangunguna ni PMAJ Vilmer Miralles at PDEA Northern District Office sa pangunguna ni IAV Joel Villorente ng buy bust operation sa bahay ng suspek.
Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek matapos bentahan ng isang medium plastic sachet ng shabu na nasa P50,000 ang halaga si PCpl Noel Sison na nagpanggap na poseur-buyer.
Nakumpiska sa suspek ang tinatayang nasa 1,000 grams (1 klg.) ng hinihinalang shabu na may DDB standard value P6,800,000. 00, buy-bust money na binubuo ng 2 piraso ng tunay na P1,000 bills at 48 piraso ng P1,000 Boodle/money.
Ayon kay Col. Mina, ang operation ay nag-ugat sa isang impormasyon na inihiyag ng isang Regular Confidential Informant (RCI) sa SDEU at matapos ang isang linggong validation ay nakumpirma na tama at maaasahan ang ulat.
Kaugnay nito, pinuri ni NCRPO RD PMGEN Vicente Danao Jr. ang Caloocan Police sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Mina at NPD sa ilalim ng pangangasiwa ni PBGEN Bondoc dahil sa matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkakakumpiska sa illegal na droga. (Richard Mesa)
-
‘Mahigpit na implementasyon ng protokol sa kalusugan, sundin’- Gob Fernando
LUNGSOD NG MALOLOS– Muling binigyang diin ni Gob. Daniel R. Fernando ang kahalagahan ng mahigpit na pagpapatupad ng protokol sa kalusugan at COVID-19 Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolutions sa kanyang mensahe sa opisyal niyang Facebook page kamakailan. “Ipatutupad po natin ng may lalong paghihigpit ang protokol […]
-
Pinag-iisipan kung ano ang magiging timeslot: Show ni LUIS, posibleng makatapat sa pagbabalik sa ere ni WILLIE
FROM an ABS-CBN insider na ayaw magpabanggit ng pangalan ay nalaman naming nakatakdang magbabalik sa ere ang “It’s Your Lucky Day” ni Luis Manzano. Nope, hindi raw naman ito ang magiging kapalit ng natsugi sa ere na “Tahanang Pinakamasaya.” Nalaman din namin na ang “It’s Showtime” na nga ang makatatapat pa […]
-
NCR hospitals nasa ‘danger zone’ na
Inamin ng Department of Health (DOH) na nasa 70-percent na ng isolation at ward beds para sa COVID-19 patients ng mga ospital sa National Capital Region (NCR) ang okupado na ng confirmed cases. Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, 73.7-percent ng isolation beds sa Metro Manila ang may COVID-19 patients na naka-admit. Sa […]