P66.2M cash benefit para sa centenarians, walang pondo sa ilalim ng 2023 proposed budget — Tulfo
- Published on September 8, 2022
- by @peoplesbalita
WALANG pondo na mahuhugot para sa P66.2 million budget para sa cash benefit ng 662 milyong Filipinong centenarians sa ilalim ng panukalang 2023 national budget.
Sinabi ni Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo sa isinagawang House appropriations panel hearing ukol sa panukalang P194 billion budget ng DSWD para sa 2023, hindi pinagbigyan ng Department of Budget and Management (DBM) ang kanilang request para sa pondo ng Centenarians Act na magbibigay sana ng P100,000 cash sa mga Filipino na nakaabot sa edad na 100 pataas.
Ang iba pang unfunded items sa ilalim ng DSWD ay ang P25 billion budget para sa implementasyon ng P500 social pension hike para sa indigent senior citizens at maging ang P2.5 billion para sa supplementary feeding program para sa hot meals ng 1.7 milyong kabataan at gatas naman para sa 157,968 kabataan.
Hinikayat naman ni Albay Representative Edcel Lagman, may-akda ng Filipino Centenarians law, ang DSWD na gumawa ng agarang aksyon lalo pa’t ang mga benepisaryo ay nasa “twilight” o takipsilim na ng kanilang buhay.
“Why are they waitlisted? They should not be waitlisted because by the time the benefits they are looking for are available, they may not be here with us anymore,” ani Lagman.
“You should not wait for the enactment of the 2023 budget in order to fund the required P66.2 million. You should check with a contingent fund,” ayon sa Kongresista.
Sa ilalim ng panukalang P5.2 trillion budget for 2023, “the contingent fund is valued at P13 billion. It covers the funding requirements of new or urgent activities or projects of national government agencies, local government units and government owned and controlled corporations that need to be implemented or paid during the year.”
Sinang-ayunan naman ni Tulfo ang pahayag ni Lagman na “urgent” ang pagpopondo sa Centenarians law, at maging ang itaas ang social pension, umapela naman ito sa Kongreso na maglaan ng pondo para sa mga ito.
“When I came in two months ago, a grandmother aged 103 years old came to my office to get the benefit. Mabuti nga buhay pa si Lola, naibigay namin agad iyong P100,000 at baka hindi na niya mabalikan,” ayon kay Tulfo.
“We submitted a request to the DBM which they did not grant. They are informed that there are 662 Filipino centenarians waiting. Kaya iyong social pension saka iyong sa centenarians, sana po mapondohan [ninyo] kasi baka hindi na nila abutin. Kaya sana maibigay po natin ito at mapagbigyan ninyo, Madam Chair,” dagdag na pahayag nito.
Maliban sa unfunded programs para sa mga lolo’t lola at mga kabataan, umapela pa rin si Tulfo sa Kongreso na itaas ang budget ng DSWD para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations na P19 billion o P20 billion mababa sa naging request ng departamento.
Gayundin, nananawagan si Tulfo ng suporta para sa karagdagang pondo para itaas ang bilang ng mga regular workers na pumapalo lamang sa 3,000 mula sa 16,000 staff.
“We are really the first agency to see the picture when the smoke cleared after the pandemic. We really saw how our people have been,” dagdag na pahayag ni Tulfo. (Daris Jose)
-
PNP chief ipinagbawal na rin ang Christmas party pero may cash gifts sa mga police personnel
WALA nang Christmas Party sa Philippine National Police (PNP). Ito ang binigyang-diin ni PNP chief, Gen. Camilo Pancratius Cascolan kasunod ng hiling ng Metro Manila Council sa iba’t ibang pribadong kompaniya na wala munang Christmas party upang makaiwas sa COVID-19. Sinabi ni Cascolan, maiintidihan naman ito ng mga police personnel kung wala munang […]
-
House hearings sa ABS-CBN ‘lutong makaw’
Mistulang lutong makaw umano ang naganap na pagdinig ng House committee on legislative franchises na kung saan “predetermined” na ang desisyon sa ginawang pagbasura sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa franchise renewal. Ito ang naging pagtingin ng ilang kongresista sa 40 pahinang report ng technical working group (TWG) na inirekomendang ibasura ang prangkisang hinihingi […]
-
PBBM sa PCSO na may 90 taon na serbisyo: Patuloy na tulungan ang mga nangangailangan
NANAWAGAN si Pangulong President Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na patuloy na tupdin ang kanilang mandato na tulungan ang mga ‘vulnerable Filipino’ habang pinuri naman ang nasabing ahensiya ng pamahalaan para sa “remarkable” na siyam na dekadang serbisyo. Sa pagsasalita sa 90th anniversary celebration ng PCSO sa Manila Hotel, […]