P709-M halaga ng assistance inilaan sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng bagyo
- Published on October 3, 2022
- by @peoplesbalita
NAGLAAN ang Department of Agriculture (DA) ng mahigit P709 milyong halaga ng tulong at interbensyon para sa mga magsasaka na naapektuhan ng pananalasa ng supertyphoon Karding.
Sa ngayon, nasa P2.95 bilyon na ang pinsala sa agrikultura na dulot ni “Karding” basi sa pinakahuling datos ng kagawaran.
Idinagdag pa ng ahensya na ang Quick Response Fund nito na nagkakahalaga ng P500 milyon ay maaaring gamitin para sa agarang pagkukumpuni o rehabilitasyon ng mga nasirang pasilidad ng produksyon.
Ayon sa agriculture department, nakahanda rin itong ipamahagi ang mga buto ng palay, buto ng mais, at binhi ng gulay.
Magbibigay din ang ahensiya ng farm animals, drugs, at biologics na nagkakahalaga ng P2.45 milyon sa pamamagitan ng livestock at poultry programs nito, gayundin ng fingerlings at fishing equipment mula sa DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Nauna ng sinabi ng kagawaran ng agrikultura na ang mga mobile KADIWA center ay inilulunsad sa mga apektadong lugar upang patatagin ang pagpepresyo at mga supply ng mga kalakal ng agri-fishery.
Magugunitang, sinabi ni Agriculture Usec. Domingo Panganiban na maaaring tumaas ng 15 hanggang 20 porsiyento ang presyo ng bigas at gulay sa mga susunod na araw dahil sa pinsala sa agrikultura sa bansa. (Daris Jose)
-
Puring-puri ng netizens ang pagiging mother-in-law: SYLVIA, nag-uumapaw ang saya sa engagement nina ZANJOE at RIA
NAG-POST na rin sa kanyang Instagram account ang premyadong aktres at Face ng Beautederm na si Sylvia Sanchez, tungkol sa engagement ng anak na si Ria Atayde at boyfriend na si Zanjoe Marudo na kanilang in-announce last February 20. Nagpahayag nga si Sylvia nang labis na kaligayahan para sa kanyang anak. […]
-
Bakuna sa COVID-19 libre lang sa mahihirap
PINAKAMAHIHIRAP lamang ang mabibigyan ng libreng bakuna sa COVID-19 at dapat magbayad ang mga may pera. “Hindi po siya magiging libre sa lahat. Iyong pinakamahirap po ang mabibigyan ng libre. Pero gumagawa rin po tayo ng hakbang para iyong mga may-kaya naman po ay makakabili rin ‘no,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque. Pero […]
-
Imbestigasyon ng Senado, tinawag ni Quiboloy na ‘trial by publicity’
HINDI raw ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang magdedesisyon kung guilty o hindi si Pastor Apollo Quiboloy. Tugon ito ng Kingdom of Jesus Christ leader sa mga akusasyon na ipinupukol sa kaniya ng mga dating kasapi o miyembro ng kanilang relihiyon. Ayon kay Quiboloy, kailangang patotohanan […]