P88.56 billion dividends na ni-remit ng GOCC, makatutulong sa buhay ng mga Filipino-PBBM
- Published on May 8, 2024
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makatutulong ng malaki ang ni-remit na P88.56 billion dividends ng Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) para mapabuti ang buhay ng mga Filipino.
Nito lamang kasing May 3, nag-remit ang GOCCs ng nasabing halaga sa kaban ng bayan.
Kumpiyansa naman ang Pangulo na ang remittance nang mahigit sa P100 billion noong 2023 ay malalampasan ngayong taon.
“Since those dividends also come from the people, let me assure you, that they will be carefully spent like the precious taxes that come from the sweat of their brow. It will be plowed back to them through projects and programs that will improve their lives today, and also create a better tomorrow for our children,” ayon kay Pangulong Marcos s kanyang naging talumpati sa GOCCs’ Day sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, araw ng Lunes.
“It will be invested back to growth-inducing activities that create jobs and harness opportunities,” dagdag na pahayag nito.
Sa ilalim ng Republic Act 7656, ang lahat ng GOCCs ay required na mag-remit ng kahit papano ay 50% ng kanilang annual net earnings maging ito man ay “cash, stock o property dividends” sa national government.
Tinuran pa ni Pangulong Marcos na ang ni-remit na dividends ay “will yield more dividends, unleashing a virtual cycle that lifts up those we serve to a higher standard of living.”
Ikinagalak naman ng Pangulo ang invaluable contributions ng GOCCs hindi lamang para sa kaban ng estado kundi maging sa patuloy na progreso ng Pilipinas na isinaisip sa ilalim ng “Bagong Pilipinas” (New Philippines) campaign ng administrasyon.
Samantala ang top 10 contributing GOCCs ay ang:
- Land Bank of the Philippines – P32.12 billion
- Philippine Deposit Insurance Corporation – P10.68 billion
- Bangko Sentral ng Pilipinas – P9.2 billion
- Philippine Ports Authority – P5.06 billion
- Philippine Amusement and Gaming Corporation – P4.60 billion
- Manila International Airport Authority – P3.45 billion
- Subic Bay Metropolitan Authority – P3.07 billion
- Philippine Charity Sweepstakes Office – P2.7 billion
- Philippine National Oil Company – P2.64 billion
- National Transmission Corporation – P2.16 billion. (Daris Jose)
-
ICC, walang hurisdiksyon sa PInas- Panelo
NANINDIGAN ang Malakanyang na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas. Ang katuwiran ni chief presidential legal counsel Salvador Panelo, matagal ng kumalas ang bansa mula sa Rome Statute. Tugon rin ito ni Panelo sa naging desisyon ng ICC na payagan ang imbestigasyon sa nangyaring pagpatay na kinalaman sa war on […]
-
PAGPAPABAKUNA SA MAYNILA, TIGIL MUNA
KINUMPIRMA ni Cesar Chavez, Chief of Staff ni Domagoso na tulad sa Taguig City ay hinihintay din ng City of Manila ang Certificate of Analysis na ilalabas ng Department of Health mula sa manufacturer ng bakuna upang muling makapagpatuloy pagbabakuna sa lungsod. Nito lamang June 24 ay dumating ang 400,000 doses ng Sinovac […]
-
DBM, inilunsad ang ‘Angat local PH’ para sa devolution info
INILUNSAD ng Department of Budget and Management (DBM), kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG), at Presidential Communications Operations Office (PCOO), ang “Angat Lokal PH’ Facebook page para ikasa at masimulan ang “awareness at information campaign on devolution” ng pamahalaan. Ang ‘Angat Lokal PH” FB page ay official social media platform […]