P8K wage subsidy sa MSMEs workers target ng gobyerno
- Published on May 3, 2021
- by @peoplesbalita
Makakatanggap ng wage subsidy na P8,000 kada buwan ang mga manggagawa sa pribadong sektor na nasa micro, small and medium enterprises (MSMEs) bilang bahagi ng eight-point agenda ng pamahalaan para makabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa isang job summit ng Task Group on Economic Recovery-National Employment Recovery Strategy (NERS) kamakalawa, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na mungkahi ng gobyerno ang P24-billion wage subsidy program para mapanatili at maprotektahan ang mga may trabaho.
“The proposed program shall provide subsidy equivalent to P8,000 per month for a maximum of three months to affected workers through the establishment’s payroll system,” ani Lopez.
Nanawagan naman si Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) president Benedicto Yujuico na agarang mabakunahan laban sa COVID-19 ang essential economic workers at gawing digital ang mga negosyo.
Prayoridad aniya dito ang MSMEs na may flexible work arrangements o nagsara pansamantala subalit may balak pang magbalik-operasyon. (Daris Jose)
-
Mabuti na lang na tinanggap niya ang role: DAVID, ‘di in-expect na mababago ang buhay dahil sa pagganap bilang ‘Fidel’
INIHAYAG ni David Licauco na nabago ang kanyang buhay dahil sa pagganap bilang si Fidel, ang matalik na kaibigan ni Crisostomo Ibarra sa hit portal fantasy series na “Maria Clara at Ibarra.” Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa “24 Oras” nitong Miyerkoles, sinabing nagbigay ng ibayong sigla sa career ni David bilang […]
-
Binata itinumba ng riding-in-tandem sa Malabon
TUMIMBUWANG ang duguan at walang buhay na katawan ng 21-anyos na binata matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek habang ipinaparada ng maayos ang kanyang motorsiklo sa Malabon City. Nakuhanan ng CCTV ang ginawang pamamaril ng suspek sa biktimang si alyas “Julius Kulot” residente ng Bagong Barrio, Caloocan City na namatay […]
-
Jazz wala pa ring talo nang tambakan ang Rockets, 122-91; Fil-Ams Clarkson vs Green agaw pansin
Nananatili pa rin ang malinis na record ng Utah Jazz makaraang iposte ang ikaapat na panalo nang ilampaso ang Houston Rockets sa iskor na 122-91. Walang patawad sa kanilang opensa ang ginawa ng Jazz kung saan pitong players ang nagtala ng double figures. Kabilang sa mga ito ay sina Rudy Gobert, […]