P9-B natirang Bayanihan 2 fund, ‘di na magagamit
- Published on July 2, 2021
- by @peoplesbalita
Tuluyan nang hindi magagamit ang umaabot sa P9 billion na pondong nakalaan sana sa pagtugon ng pamahalaan laban sa epekto ng COVID-19.
Bagama’t hindi ito tuluyang masasayang, obligado naman ang gobyerno na ibalik ang naturang salapi sa national treasury.
Una nang iminungkahi ng ilang opisyal na palawigin na lang sana ang bisa ng Bayanihan 2 hanggang Disyembre 31, 2021.
Pero malabo namang makapagpasa ng agarang batas ang Kongreso dahil naka-break pa ang sesyon hanggang sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 26, 2021.
Isinisi naman ng ilang kongresista sa kabagalan ng mga ahensya ng gobyerno na maipatupad sa tamang panahon ang mga programang nakapaloob sa Bayanihan 2.
Kabilang sa maaapektuhan ng expiration ng batas, ang pagpapatuloy ng recovery at stimulus programs, service contracting at free rides sa ilang bahagi ng ating bansa. (Daris Jose)
-
Chile nakapasok sa Rugby World Cup sa unang pagkakataon
NAKAPASOK sa Rugby World Cup ang bansang Chile. Ito ang unang pagkakataon na makapasok ang nasabing bansa ng talunin nila ang US sa score na 31-29 sa laro na ginanap sa Colorado. Naging bida sa panalo si Santiago Videla na siyang nagselyado ng nasabing laro. Dahil dito ay kabilang […]
-
Roach hanga kay Marcial; gold sa Olympics, makukuha
KUMPIYANSA si Hall of Fame trainer Freddie Roach na masusungkit ni Pinoy boxer Eumir Marcial ang inaasam nitong gintong medalya sa Olympics. Kasalukuyang nasa Los Angeles si Marcial upang hasain ang kanyang boxing talent sa ilalim ni Roach para sa paparating nitong professional debut fight at sa pagsabak nito sa 2021 Olympics. “Eumir […]
-
PBA ayaw nang mag-full bubble
Wala pa sa plano ng Philippine Basketball Association (PBA) ang bumalik sa full bubble para sa pagdaraos ng Season 46 Philippine Cup na target simulan sa Abril 18 sa Ynares Sports Center sa Antipolo City. Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, numero unong prayoridad pa rin ang semi-bubble o ang home-gym-home format na […]