• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paano gagawin ng libreng cards sa cashless fare daw?

HINDI katanggap tanggap kay DOTr Sec. Art Tugade na mamigay ng 125,000 cards lang ang Beep sa mga pasahero. At sangayon ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) dito.

 

Ang magiging problema lang ay ang pamamahagi ng cards. Kung mag prioritize sila ng mga indigent, unemployed o minimum-wage earners baka kailangan pang mag sumite ng katibayan para sa isang Beep card lang.

 

At gasino lang naman ang 125 thousand cards sa milyun-milyon pasahero! Baka maging problema lang. May mungkahi po ang LCSP – kung hindi kaya ng Beep na ipamigay ng libre ang mga cards ay dapat lang at panahon nang mag-accredit ng ibang providers na may mai-o-offer na mas papabor sa pasahero at sa pamahalaan na rin.

 

At mungkahi rin ng LCSP na gumamit ng QR Code para sa single journey system para wala ng card na binabayaran. Kung card naman gagamitin maaring mag offer ng advertisement na ilalagay sa card para mai-libre ang gastos sa card.

 

Halimbawa isang fastfood chain logo ilagay sa mga cards. Hindi ito bagong ideya dahil kahit sa eroplano yung pinaminigay na arrival form ay may advertisement ng isang kilalang klinika ng pagpapaganda.

 

Maliwanag ang direktiba ng Presidente – ilibre sa mga pasahero ang card. Tutol din ang LCSP na gamitin ang pondo ng gobyerno para pambili ng card dahil ang suma tutal ay taxpayers money ang gagamitin puwes hindi rin libre. Sa usaping ito sana ay manaig ang kapakanan ng pasaherong Pilipino at hindi ang monopolyong negosyo. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • 50 milyong Pinoy target bakunahan ngayong taon

    Target ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 50 milyong Filipino ngayong taon, ayon kay Secretary Vince Dizon.     Sinabi ni Dizon na upang maisakatuparan ang pagbabakuna sa 50 milyong Pinoy, kailangang maturukan ang nasa 250,000 hanggang 300,000 kada araw.     “We have a goal of inoculating of about 50 million Filipinos this year. […]

  • VP Sara, hindi deserve na ma-impeached-PBBM

    NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na hindi deserve ni  Vice President Sara Duterte  na  ma-i impeached sa kabila ng naging pahayag ng isang mambabatas na pinag-uusapan na ito ng  ilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.     “Binabantayan namin nang mabuti because we don’t want her to be impeached, we don’t want her […]

  • SHARON, masayang-masaya na ibinalitang magaling na si Pawiboy at makakasama na sa Christmas

    MASAYANG-MASAYA si Megastar Sharon Cuneta dahil sakto sa pagsi-celebrate ng Pasko ay may isa pa silang makakasama na matagal-tagal din niyang hinintay.     Sa IG post ni Mega, kasama ng mga photos, “Guess who’s home?!!! My Pawiboy!!! Just in time for Christmas.     “He is now at our vet’s clinic and when he’s […]