• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paat, Dindin bida sa Nakhon Ratchasima

MAGARBONG  tinapos ng Nakhon Ratchasima ang eliminasyon matapos ilampaso ang Khonkaen Star, 25-23, 25-17, 25-18, sa 2021-22 Thailand Volleyball League kahapon sa Nimibutr Stadium sa Bangkok, Thailand.

 

 

Muling umariba sina national mainstays Dindin Santiago-Manabat at Mylene Paat upang pamunuan ang Nakhon Ratchasima sa panalo.

 

 

Nagpakawala sina Santiago-Manabat at Paat ng kaliwa’t kanang atake sa buong panahon ng laro para basagin ang depensa ng Khonkaen Star.

 

 

Dahil sa panalo, nakuha ng Nakhon Ratchasima ang No. 3 seed sa crossover semifinals.

 

 

Makakaharap ng Nakhon Ratchasima ang No. 2 seed sa Final Four habang magtutuos naman ang No. 1 at No. 4 sa hiwalay na semis match.

 

 

Matapos ang kampan­ya sa Thailand, babalik agad sa Pilipinas sina Santiago-Manabat at Paat para naman samahan ang Chery Tiggo sa pagdepensa nito ng Open Conference crown sa Premier Volleyball League.

Other News
  • Tiwala si Joey para mag-host ng ‘Wow Mali: Doble Tama'” JOSE at WALLY, para nang mag-asawa sa tagal ng pagsasama

    NGAYONG ika-26 ng Agosto 2023, pagkalipas ng walong taon ay nagbabalik na ang bagong bihis na “Wow Mali: Doble Tama” dahil ipinasa na ito Joey de Leon kina Jose Manalo at Wally Bayola.     Pandemic palang ay tinanong na ng APT Entertainment ang comic duo at um-oo naman sila sa offer.     “Kaya […]

  • Malakanyang, mas matimbang sa isyu ng unemployment rate kaysa sa hirit na dagdag sahod para sa mga manggagawa

    KUMBINSIDO si Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na mas dapat na mabigyan ng pansin ang estado ng unemployment rate ng bansa kaysa sa hinihinging dagdag umento sa mga manggagawa.   Ayon kay CabSec Nograles na maraming nawalan ng trabaho dahil na din sa pandemya at may mga datos na magpapakitang na sadyang tumaas nga ang […]

  • DSWD, inilatag na ang pangunahing criteria para alisin ang pamilya mula sa listahan ng 4Ps

    INILATAG na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang “major criteria” sa pag-alis ng mga pamilya mula sa listahan ng  4Ps beneficiaries.     Una  na rito ay ang non-compliance sa mga kundisyon na itinakda ng  conditional cash transfer program (CCT).     Ang 4Ps ay mayroong apat na mga pangunahing kundisyon para […]