• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao nasa huling linggo na ng training camp sa Hollywood, California

Nasa huling linggo na ng kanyang training camp si Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California, bago ang big fight sa August 22.

 

 

Aminado ang Hall of Famer coach na si Freddie Roach na hindi na siya nagulat na sa ead na 42-anyos ngayon ng Pinoy ring icon, ito pa rin ang pinakamatinding boksingero na kanyang nahawakan pagdating sa training.

 

 

Ayon kay Roach, ang nalalapit na laban ni Pacman kontra sa 11 taon na mas bata sa kanya na si Errol Spence ay maituturing na isa sa biggest fight ng kanyang career.

 

 

Aniya, ang kanyang nakita na subsob sa pag-eensayo ng eight-division world champion ay nagpapakita lamang sa labis nitong pagkagutom na manalo at gayundin may nais pa itong patunayan sa ibabaw ng ring.

 

 

Gayunman, aminado rin ang sikat na trainer na posibleng ito na rin ang huling laban ng fighting senator lalo na at aagawin ng politika ang atensiyon ni Pacquiao sa mga darating na panahon.

Other News
  • Quake drills, layon na bawasan ang casualties- NDRRMC

    NANAWAGAN  ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)  sa publiko na magpartisipa sa lahat ng earthquake drills na naglalayong bawasan ang casualties lalo pa’t walang paraan ma-predict kung kailan mangyayari ang lindol.     “We call on everyone to join the drill once again as part of our effort to reinforce earthquake preparedness. […]

  • Gobyerno, inalis na ang restriksyon sa mga non-essential travel ng mga Filipino

    INALIS na ng pamahalaan ang restrictions na ipinatupad nito sa mga non-essential travel ng mga Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ang naging desisyon ng COVID-19 task force ng pamahalaan, araw ng Lunes. Nagtakda rin aniya ang task force ng mga kondisyon sa non-essential outbound travel ng […]

  • Posibleng mailagay na sa ‘low-risk’ sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR) sa pagtatapos ng Oktubre.

    Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, nag-peak na ang virus cases sa NCR at sa ngayon ay nakakapagtala na lang ng seven-day average na 2,000 bagong kaso.     Wala rin silang nakikitang anumang variant of concern na nagbabanta ngayon kaya’t sa tingin nila ay magtutuluy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 […]