• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao No. 3 sa world ranking

Pasok si Manny Pacquiao sa Top 3 sa world ranking ng welterweight division ng pamosong Ring Magazine.

 

 

Hawak ng eight-division world champion ang No. 3 spot sa ilalim ng nangu­ngunang si unified World Boxing Council (WBC) at International Boxing Fe­deration (IBF) champion Errol Spence Jr.  nasa u­nang puwesto.

 

 

Nakaupo naman sa No. 2 si World Boxing Organization (WBO) titlist Terence Crawford.

 

 

Nakatakdang magha­rap sina Pacquiao at Spence sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa Las Vegas, Nevada kung saan inaabangan na ng lahat ang naturang bakbakan na itinuturing na magiging Fight of the Year.

 

 

Maliban kay Pacquiao, nasa listahan din ng Ring Magazine ang iba pang Pinoy boxers.

 

 

Numero uno si Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa bantamweight division kasunod si World Boxing Council (WBC) champion Nordine Oubaali ng France.

 

 

Nakalinya rin ang bakbakan nina Donaire at Oubaali sa Mayo 29 (Mayo 30 sa Maynila) sa Carson City, California.

 

 

Nasa bantamweight list din sina WBO champion Johnriel Casimero sa ikatlong puwesto at Mike ‘Magicman’ Plania sa ikasiyam na puwesto.

 

 

Sa super flyweight division, ikaapat si IBF champion Jerwin Ancajas.

 

 

Pasok sa Top 3 sina Juan Francisco Estrada, Srisaket Sor Rungvisai at Roman Gonzalez — ang tatlong boksingerong tinatarget ni Ancajas.

Other News
  • Marami pang ‘di maka-move on na nalaglag sa Top 5: Pinupuring black evening gown ni MICHELLE, tribute kay Apo Whang-Od

    ISANG tribute nga ni Miss Universe PH 2023 Michelle Marquez Dee kay Apo Whang-Od ang sinuot niyang evening gown sa 72nd Miss Universe in El Salvador.       Nirampa ni Dee ang sheer nude evening gown na napapalibutan ng black jewels. Inspirasyon ng kanyang gown ay ang tinaguriang “last and oldest mambabatok of the […]

  • CLINICAL TRIAL SA AVIGAN, HINDI PA NASISIMULAN

    HINDI  pa nasisimulan ang clinical trial ng nati flu drug na Avigan na itinuturing na maaring lunas sa mga pasyente na tinamaan ng COVID-19. Ito ang kinumpirma ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing. Una nang inihayag ng DOH na dapat sanang simulan ang clinical trial ng Avigan noong Agosto 17 ngunit […]

  • PDu30, ikakampanya ang mga kapartidong tatakbo sa Eleksyon 2022

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ikakampanya niya ang kanyang mga kapartido sa PDP-Laban na tatakbo sa Eleksyon 2022.   Sinabi pa nito na magdadala rin siya ng pera habang nagsasagawa ng pangangampanya.   Ang pangakong ito ni Pangulong Duterte ay matapos na pamunuan ang panunumpa ng mga bagong PDP-Laban officials sa isang miting […]