Pacquiao vs Ugas: ‘We’re going to give a big gift to the fans’
- Published on August 14, 2021
- by @peoplesbalita
Nagkaharap-harap sa unang pagkakataon sa pamamagitan ng virtual press conference sina Sen. Manny Pacquiao at ang bagong makakalaban sa welterweight championship na si Yordenis Ugas.
Ayon sa eight-division world champion, excited na rin siya na makaharap si Ugas dahil championship pa rin naman ang kanilang paglalabanan.
Kung maalala una nang naasar noon si Pacman sa WBA kung bakit ibinigay kay Ugas ang korona samantalang kaya hindi siya lumaban para idepensa ang title belt ay bunsod nang pandemya.
Giit ni Pacquiao, 42, sa pagkakaong ito dapat tapusin na ang usapan kung para ba kanino talaga ang titulo.
Tiniyak din ni Pacman na wala problema sa kanya kung si Errol Spence na kaliwete na kanyang pinaghandaan at ngayon ay nagbago dahil orthodox style si Ugas.
Giit pa ng fighting senator, hindi siya puwedeng magkampante dahil nasa kondisyon din si Ugas bunsod na naghanda ito ng husto dahil sa undercard din naman sana siya sa fight card.
-
Nagpunta sa Bali para sa bachelorette party: VALEEN, ikakasal na ngayong January sa non-showbiz boyfriend
INAMIN ni Laurice Guillen na si Jasmine Curtis-Smith ang madalas na maraming takes sa kanilang serye na ‘Asawa Ng Asawa Ko.’ Kuwento ng award-winning director: “Si Jasmine, maraming takes. Marami akong pinapagalitan, actually it’s more of like keeping her on track because she’s playing a role that’s been through a really extraordinary […]
-
PSC umaasang mabibigyan ng sapat na pondo
Kung mabibigyan ng sapat na pondo ay maaaring maulit o mahigitan pa ng Team Philippines ang kanilang performance sa nakaraang Tokyo Olympics sa paglahok sa 2024 Paris Games. Gumastos ang Philippine Sports Commission (PSC) ng humigit-kumulang sa P2.7 bilyon simula noong 2016 na nagresulta sa isang gold, dalawang silvers at isang bronze medal […]
-
Gilas ‘Pinas ni Dickel, ‘di mababalasa – SBP
MAAARING ang komposisyon ng Gilas Pilipinas na naglaro kontra Indonesia ang gagamitin din ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kapag natuloy na ang na-postpone na game kontra Thailand. Itataguyod dapat ng mga Pinoy ang Thais sa Araneta Coliseum noong Pebrero 20 sa first window ng 2021 FIBA (International Basketball Federation) Asia Cup. Pero kinansela ng […]