Pag-aalis ng travel authority, quarantine requirements idinepensa ng DILG
- Published on March 4, 2021
- by @peoplesbalita
Idinepensa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang desisyong alisin na ang ilang requirements at paluwagin ang ilang health protocols ng mga biyahero, kahit pa nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.
Kasunod ito nang pagbatikos ni Vice Pres. Leni Robredo sa pagtatanggal ng quarantine at testing protocols, dahil maaari aniya itong maging dahilan ng biglang pagdami ng COVID cases.
Nilinaw ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na ang RT-PCR test ay hindi kailanman naging requirement mula sa national government, at sa halip ay ang mga local governments aniya ang nag-require nito.
Hinggil naman sa pagtatanggal ng quarantine requirement, kinonsulta nila ang mga health professionals at iminungkahi ng mga ito na wala nang biyahero ang ire-require na sumailalim sa facility-based quarantine.
Tanging ang mga biyahero lamang na makikitaan ng sintomas ng sakit sa pagdating sa kanyang destinasyon ang isasailalim sa quarantine.
Sinabi rin ni Malaya na ang kritisismo ni Robredo ay ‘misplaced’ o wala sa lugar.
Ipinaliwanag niya na nang sabihin ng bise presidente na ang mga Locally Stranded Individuals (LSIs) ang responsable sa pagkalat ng COVID sa mga lalawigan, ito ay noong mga unang araw pa lamang ng pandemic kung kailan mataas ang infection rates at mababa ang compliance ng mga mamamayan sa minimum health standards.
Matapos aniya ang isang taon, mataas na ang compliance ng mga mamamayan sa minimum health standards, mababa na ang bilang ng mga aktibong kaso at alam na ng mga mamamayan ang dapat gawin upang protektahan ang kanilang sarili at kanilang pamilya laban sa virus.
-
Glen Powell rides into the eye of the storm as tornado wrangler Tyler Owens in “Twisters”
Glen Powell has always had an interest in joining the disaster thrill-ride, “Twisters,” since he caught wind of it. He’d been keeping close tabs on the project while working with Joseph Kosinski for “Top Gun: Maverick,” as Kosinski was developing the story for “Twisters.” “Joe told me what an exciting movie this was going to […]
-
DOH: ‘Bentahan ng COVID-19 vaccines’ iniimbestigahan na ng NBI
Hihintayin na lang daw ng Department of Health (DOH) na matapos ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng umano’y bentahan ng COVID-19 vaccines. Pahayag ito ng ahensya matapos maaresto ang isang nurse at dalawang indibidwal na sangkot umano sa pagbebenta ng 300 doses ng bakunang Sinovac. “Iniimbestigihan […]
-
Retiradong sundalo, 1 pa, huli sa pagbebenta ng shabu sa Valenzuela
DALAWANG hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang isang retiradong sundalo ang natimbog sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na sina Arnel Bataller alyas “Sundalo”, 46, retired Philippine Army at […]