• December 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-ban sa POGO, aprub na sa House panel

DAHILAN sa pagkakasangkot sa samut-saring krimen tulad ng human trafficking, prostitusyon, forcible abduction, murder, investment scam, swindling at iba pa, pinagtibay na ng House Committee on Games and Amusement ang panukalang batas na nagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na mag-operate sa Pilipinas.
Ang House Bill (HB) 5802 na dinidinig ng komite ay iniakda ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr. na noong una pa man ay tutol sa operasyon ng mga POGOs sa ilang commercial at urban areas sa bansa.
Ipinunto ni Abante na ang pagtaas ng kriminalidad na may kaugnayan sa operasyon ng mga POGO ang hudyat para ipagbawal na ang operasyon ng mga ito.
Ayon sa PNP, nasa 4,039 ang mga biktima ng mga krimeng may kinalaman sa POGO sa unang bahagi pa lamang ng 2023.
Sa panig ni PAGCOR Chief Al Tengco, sinabi nito na umaabot na sa 2,000 mga banyaga ang kanilang naipa-deport sa bansa dahilan sa pagkakasangkot sa krimen.
Ayon kay Tengco, may mga sapat silang hakbangin para mapigilan ang mga krimen na iniuugnay sa operasyon ng POGO.
Sa katunayan, ayon pa sa opisyal mula sa 300 noong 2019 ay nasa 75 na lamang ang mga POGO na nago-operate sa bansa.
Other News
  • Sinasala na mga nominado sa Philippine Sports Hall of Fame

    NAGSARA na pala ang nominasyon para sa ikaapat na grupo na mga nakatakdang iluluklok sa 2021 Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) nito lang Linggo, Enero 31.     Sinimulan na ring salain na ang screening ng dalawang komite ng PHSOF mga kandidato para sa mga pinal na mapipili na pararangalan sa okasyon sa taong […]

  • Prinsipyo ang usapan at ‘di pera: VIC, umaming sanay na ang TVJ na halos ‘di kumikita

    MASAYA ang pagpapakilala ni Vic Sotto at ng kanyang M-Zet Productions sa cast ng bago nilang sitcom na “Open 24/7” sa media conference nito last Monday, May 8.     Ito ang papalit sa katatapos na sitcom nila sa GMA Network, of more than four years, ang “Daddy’s Gurl.”     Sa “Open 24/7” Vic […]

  • Pilipinas bumaba ang ratings sa pagiging masayahin – research

    Bumaba ang ratings ng Pilipinas sa dami ng mga Filipino na masaya ngayong 2021.     Ayon 2021 World Happiness REport ng United Nations na sa pang number 61 na ang ranking ng Pilipinas mula sa dating pang-52 noong 2020.   Gumamit ang researchers ng Gallup data kung saan tinatanong ang mga tao na i-rate […]