• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-import ng 300K MT ng asukal, tinanggihan ni Pangulong Marcos

TINANGGIHAN  ni ­Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukala na mag-angkat ng karagdagang 300,000 metriko ­tonelada (MT) ng asukal.

 

 

Ito ang inihayag kahapon Press Secretary Trixie Cruz-Angeles matapos mapaulat ang pahayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenegildo Serafica noong nakaraang linggo na plano ng ­gobyerno na mag-import ng nasa 300,000 MT ng asukal.

 

 

Umaabot na sa P100 ang kilo ng refined sugar sa local market.

 

 

Ayon kay Cruz-Angeles, ginawa ni Marcos ang desisyon bilang chairman ng Sugar Regulatory Board.

 

 

“The President rejected the proposal to import an additional 300,000 MT of sugar. He is the chairman of the Sugar Regulatory Board and denied this in no uncertain terms,” ani Cruz-Angeles.

 

 

Nauna nang sinabi ni Serafica na tinitingnan ng SRA ang pag-import ng asukal mula sa Thailand, Vietnam, Malaysia, at Indonesia dahil ubos na ang stockpile ng asukal sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • 18-anyos na Top 1 most wanter Navotas, timbog

    ARESTADO ang isang 18-anyos na murder suspect na tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa Navotas City nang bumalik sa kanyang tirahan makalipas ang dalawang buwan pagtatago sa Navotas Fish Port Complex (NFPC).   Ayon kay Navotas police chief P/Col Rolando Balasabas, alas-2:10 ng hapon nang isilbe ng mga elemento ng Warrant and Subpoena Section […]

  • ‘Full vaccination’ ng COVID-19, kasama na 1st booster shot

    SANG-AYON si Health Secretary Francisco Duque III sa panawagan ng health experts na i-redefine ang “full vaccination” sa pamamagitan ng pagsama ng first booster shot.     Sa kasalukuyan, ang naturukan na ng 2 vaccination shots ay itinuturing na “full vaccination” sa bansa, samantalang ang ibang bansa ay redefined na ang kanilang “full vaccination” status […]

  • ALAMIN: Mga bagong guidelines sa COVID-19 vaccination

    Higit isang buwan mula nang mag-umpisa ang Pilipinas sa rollout ng mga bakuna laban sa COVID-19, naglabas ang Department of Health (DOH) ng karagdagang panuntunan bilang gabay sa mga pagbabakuna.     Sa ilalim ng Department Memorandum No. 2021-0175 na may petsang April 8, 2021 nakasaad ang ilang karagdagang guidelines para sa publiko at vaccination sites.   […]