PAGAWAAN NG PEKENG TRAVEL. SWAB TEST RESULT NABUKING
- Published on September 5, 2020
- by @peoplesbalita
NABISTO ang isang pagawaan ng pekeng mga dokumento gaya ng IATF ID,quarantine pass, travel authority pass,medical certificate ,swab test at rapid test results mula sa Manila Health Department (MHD) sa isinagawang pagsalakay,kahapon ng umaga sa Sta.Cruz,Maynila.
Kinilala ni PLt.Col John Guiagui,station commander ng Manila Police District-Police Station 3 ang suspek na si
Marilyn Balagtas, 40, na siya umanong nagpapatakbo ng pagawaan ng pekeng dokumento na matagpuan sa panulukan ng Sulu at Remigip Sts. sa Sta.Cruz,Maynila.
Sinalakay umano ang lugar dakong alas 5-ng umaga matapos ang entrapment operation kung saan nasamsam ang mga
computer, printers, at iba’t ibang klaseng mga dokumento na iniimprenta ng suspek.
Sinabi ni Guiagui, natunton nila ang lugar matapos silang may masita ang isang lalaki na may bitbit na pekeng travel authority mula umano sa kanilang istasyon.
Dito na itinuro ng lalaki na di na pinangalan kung saan siya nagpagawa ng pekeng dokumento na binayaran umano niya ng P300.
Nalaman na ang pagawaan ng.mga pekeng dokumento ay dinarayo pa ng mga nagpapagawa.mula sa iba’t ibang lugar.
Kaugnay nito,sinabi ni Balagtas na pinapa-scan lang sa kanya ng mga customer ang mga dokumento at taga-imprenta lang siya.
Sinampahan naman ng kasong falsification and use of falsified document si Balagtas sa Manila Prosecutors Office. (GENE ADSUARA)
-
DBM, ipinalabas ang P875-M para punan ang QRF ng DSWD
INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P875 million para punan ang Quick Response Fund (QRF) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang hakbang na ito ay alinsunod sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para tiyakin ang ‘disaster response at […]
-
Award-winning novel ni Marivi Soliven: SHARON, kumpirmado nang bibida sa Hollywood movie adaptation ng ‘The Mango Bride’
KUMPIRMADO na ngang magli-lead si Megastar Sharon Cuneta sa Hollywood movie adaptation ng award-winning novel ni Marivi Soliven na The Mango Bride. Sa Instagram account ng Megastar pinost niya ang screen shot ng article na nilabas ng Variety. Caption ni Sharon, “SURPRISE! Hollywood, here come the PINOYS!!” kasama ang mga emojis. […]
-
Panibagong round ng fuel subsidy ipalalabas sa buwan ng Abril- DBM
NAKATAKDANG ipamahagi ng pamahalaan ang panibagong round ng subsidiya para sa public transport drivers at delivery riders, at diskwento para sa agriculture sector sa darating na Abril. Isa pang P2.5 bilyong piso ang inilaan para sa subsidiya para sa public utility vehicle (PUV) drivers at P600 milyong piso naman para sa agriculture sector. […]