• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbabakuna laban sa Covid-19, hindi kailangang gawing mandatory-Sec. Roque

HINDI kailangang gawing mandatory ang pagpapabakuna laban sa Covid-19.

 

Ito’y sa kabila ng nire-require ng estado ang mga mamamayan na magpabakuna ay hindi naman dapat na gawin itong mandatory lalo pa’t nananatiling mababa ang suplay ng bakuna.

 

“Bilang isang abugado, kabahagi ng police power ng estado ang i-require ang bakuna kung talagang kinakailangan pero sa ngayon naman mukhang hindi naman kinakailangan mandatory yan dahil hinihintay pa natin ang bulto ng ating mga bakuna,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay tugon sa ginawang paghahain ng panukalang batas ni Cavite 2nd District Rep. Elpidio Barzaga Jr. sa Kongreso na nire-require ang bawat indibidwal na magpabakuna laban sa COVID-19 para matugunan na rin ang kawalan ng tiwala ng mga ito sa bakuna.

 

Nauna rito, nilinaw naman ni Sec. Roque na wala pang posisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa panukalang batas na ito.

 

Aniya, mataas naman ang vaccine confidence subalit mababa naman ang suplay ng bakuna.

 

“Ang tingin natin ay dumadami na o tumataas na ang vaccine confidence kaya ang problema natin hindi sapat ang bakuna doon sa mga gustong magpabakuna,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • RODERICK, ‘di sumama ang loob na ‘di nakapasok ang comeback film na ‘Mudrasta’ sa ‘MMFF’

    Roderick Paulate na hindi nakapasok sa festival ang comeback film niya Mudrasta from TREX Entertainment Productions. Hindi naman kasi alam ni Kuya Dick na ipinasok pala as entry ang movie kung saan leading man niya si Tonton Gutierrez and kasama rin ang kaibigan niyang si Carmi Martin.      Since comeback movie niya ang Mudrasta, […]

  • Netizens, super-react sa poster ng GL series nila: LOVI at JANINE, first time magsasama at kaabang-abang ang tagisan sa pag-arte

    SA IG post ni Lovi Poe last June 25, ibinahagi rin niya ang official poster ng ‘Sleep With Me’, at may caption na, “Are you ready to sleep with Luna and Harry?”     Ito ang first lesbian series ni Lovi na kung saan makakatambal niya si Janine Gutierrez.     Post naman ng aktres […]

  • Vice Mayor Yul Servo Nieto Meets Working Group for the Manila Film Festival

    MANILA Vice Mayor Yul Servo Nieto met the technical working group of The Manila Film Festival (TMFF) recently, to discuss the preparations for its upcoming launch during the Araw ng Maynila celebration in June this year.     The February 23, 2023 meeting that was held at the Vice Mayor’s office discussed, among other matters, […]