• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbabalik ng NCAP, inihihirit ng MMDA

NANANAWAGAN  ang Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na muling ­ipatupad ang ‘No Contact Apprehension Policy’ (NCAP).

 

 

Ayon kay MMDA ac­ting chairman Don Artes, lumala ang maraming mga paglabag partikular ang ilegal na paggamit ng mga motorista sa EDSA bus lane simula nang masuspinde ang NCAP.

 

 

Umaasa rin si Artes na kaagad na maaaksiyunan ang kanilang kahilingan at binigyang-diin na malaking tulong ang teknolohiya upang higit nilang mabantayan ang mga lansangan sa Kamaynilaan.

 

 

Aniya pa, hindi nila kakayaning 24/7 na bantayan ng manu-mano ang mga lansangan sa kanilang nasasakupan.

 

 

“Sana maaksyunan na po dahil kailangan talaga namin ‘yung tulong ng technology para mabantayan ang lansangan ng Metro Manila. Hindi namin po kayang bantayan ng 24/7 na manu-mano ang lahat ng kalsada sa aming jurisdiction,” panawagan pa ni Artes, sa isang media interview.

Other News
  • EPY, tinanggihan ang P30 million para gamitin sa pangangampanya ang kanyang advocacy song na ‘Lukso ng Dugo’

    BALIK sa kanyang short hair ang Kapuso actor na si Mike Tan para sa teleserye na Love. Die. Repeat with Jennylyn Mercado and Xian Lim.     Bago raw siya nag-quarantine para sa naturang teleserye, pinagupit na niya ang long hair niya na pinahaba niya for one year simula nung magkaroon ng pandemya.   Ayon […]

  • China, nag-donate ng $200,000 sa Agaton relief operations

    NAG-DONATE ang China ng $200,000, o P10.2 million, sa Pilipinas bilang suporta sa Tropical Storm Agaton relief operations ng bansa.     “Our hearts go out to all the Filipino families who were devastated by TropicalSstorm Agaton,” ayon kay Ambassador Huang Xilian sa Facebook.     “Chinese President Xi Jinping, State Councilor and Foreign Minister […]

  • Jawo, 9 iba pa iluluklok sa Philippines Sports Hall of Fame

    Pamumunuan ni ‘Living Legend’ Robert Jaworski ang siyam pang sports heroes ng bansa sa pormal na pagluluklok sa kanila sa Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) sa Linggo sa isang digital ceremony.     Kasama rin sa fourth batch ng mga inductees sina football great Paulino Alcantara, swimmer Eric Buhain, track and field star Elma […]