Pagbalik sa mandatory face mask policy, kasunod ng pagtaas ng Covid cases, ipinauubaya na sa IATF,DOH – PBBM
- Published on May 3, 2023
- by @peoplesbalita
WALA pang nakikitang pangangailangan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face mask, sa kabila ng pagtaas muli ng Covid-19 cases sa bansa.
Sa isang panayam sinabi ng Chief Executive na kailangan pag-aralan nito muli.
Ayon sa Pangulo dapat maging masigasig muli sa paghihikayat na magpa bakuna laban sa Covid-19 partikular ang mga kabataan.
Dagdag pa ng Pangulo ang maiinit na panahon sa bansa ang nagiging dahilan sa pagiging vulnerable ng mga ito sa Covid-19.
Naka-antabay din ang Pangulo sa magiging guidance ng Inter-Agency Task Force (IATF) at maging ng Department of Health (DOH). (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)
-
Mas marami pang criminal complaints, inaasahang ihain laban kay suspended BuCor chief Bantag
INAASAHANG mas marami pang criminal complaints ang ihahain laban kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag. Ayon kay BuCor Acting Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr, patuloy na nangangalap ng ebidensiya ang BuCor laban kay Bantag para sa plunder charges nito sa umano’y maanomaliyang proyektong pagtatatag ng tatlong prison […]
-
Ads April 5, 2022
-
Makakasama sina Gabbi, Sanya at Kylie: SUNSHINE, balik-Kapuso na after ng isang project sa Kapamilya network
MATAPOS ipaghanda at imbitahan ni Bea Alonzo sa isang merienda-dinner para sa kanilang Aeta neighbors sa Beati Farm sa Iba, Zambales, pinaratangan pa siya ng isang netizen na may Twitter account na @ALOyoutoo. Inagaw raw niya ang lupa na pag-aari ng mga katutubo at tweet nito, “That’s nice, now how about giving their […]