• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagcor, umamin na ‘big challenge’ ang kumbinsihin ang foreign investors

INAMIN ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) Chairman Alejandro Tengco na isang malaking hamon ang kumbinsihin ang mga foreign investors na ang pagba-ban sa natitirang legal Philippine offshore gaming operators (POGOs) ay may kabutihang dulot sa bansa.
“Iyan po ang magiging malaking hamon sa amin para makumbinse sila na talagang ito’y ginagawa para sa kabutihan ng buong bansa,” ang sinabi ni Tengco sa kamakailan lamang na House committee hearing.
Tugon ito ni Tengco kasunod ng pag-aalala ni Bulacan 5th district Rep. Ambrosio “Boy” Cruz sa posibleng “mixed signals” na maidudulot G pagba-ban sa mga POGOs sa foreign investors.
“Yung 43 na compliant, mga investors na matitino pagkatapos biglang magsasarado. Baka we’ll be sending mixed signals sa mga good investors dito sa Pilipinas,” ayon kay Cruz.
Patunay sa sentimenyento ng mambabatas, sinabi ni Tengco na nakatanggap na sila ng tawag mula sa grupo ng Singaporean investors na kinukuwestiyon ang pagba-ban sa POGOs dahil direktang makaaapekto ito sa licensed online gambling hubs.
Ang POGOs ay iniugnay sa criminal syndicates, na may kamakailan lamang na pagsalakay sa mga establisimyento na nagpapakita ng pruweba at patotoo ng krimen gaya ng tortyur, prostitusyon at kidnapping.
Habang hindi naman dinitalye ni Tengco kung paano nila ipaliliwanag sa mga investors, inamin naman niya na posibleng ang tingin ng gaming regulator sa hakbang na ito ay isang malaking problema.
Gayunman, tiniyak naman niya sa mga mambabatas na ang natitirang 43 legitimate POGO, tinatawag ngayon bilang Internet Gaming Licensees (IGLs)—ay siguradong susunod sa direktiba ni Pangulong Marcos.
Dahil dito, sinabi ni Tengco na nakikipag-ugnayan na ang Pagcor sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Labor and Employment (DOLE) para itatag ang isang inter-agency task force na mangangasiwa sa pagsasara ng mga natitirang POGOs.
Binigyang diin nito na nakatakda silang ipagpatuloy ang pagmo-monitor sa mga lungsod at munisipalidad na tukoy na mayroong underground o illegal POGOs.
(Daris Jose)
Other News
  • PBBM, hinikayat ang local execs na palakasin ang partnership sa pagitan ng nat’l gov’t, LGUs

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang  mga lokal na opisyal na palakasin ang partnerships sa pagitan ng  national at local governments para palakasin ang  development agenda ng administrasyon. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni Pangulong Marcos na ang  national government at LGUs ay dapat na magtulungan na i-develop ang iba’t ibang  programa […]

  • Manila Cathedral opisyal nang binuksan ang ‘500-yrs of Christianity celebration’

    Dumalo ang ilang mayors sa Metro Manila na nasa ilalim ng Archdioces of Manila sa pormal na paglulunsad ng Manila Cathedral sa 500 years of Christianity in the Philippines.     Kabilang sa mga ito ay sina Manila Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna, Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, Makati City Mayor Abby Binay, […]

  • Advance Tickets for Marvel Studios’ Thor: Love and Thunder Now on Sale

    THE God of Thunder returns to the big screen with the local theatrical release of Marvel Studios’ “Thor: Love and Thunder,” the fourth installment in the Marvel Cinematic Universe’s ‘Thor’ saga.     Marvel fans can now buy their tickets in advance by checking the show timings at https://movies.disney.ph/thor-love-and-thunder and at the cinemas nearest them. […]