• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagdanganan may pag-asa sa Summer Olympic Games

BIGATIN talaga ang pagtapos ni Bianca Pagdanganan sa apat na magkakatabla sa ikasiyam na puwesto sa nitong lang Oktubre 8-11 na 58th KPMG Women’s Professional Golf Association (PGA) Championship 2020 sa Newtown Square, Pennsylvania, USA.

 

Ang halaga ang nagbigay sa 22 taong-gulang na tubong Quezon City at bagito pa lang na propesyonal na manlalaro ng $84,765 (P4M) cash prize at puwesto upang makalahok sa mayamang $5.5M 75th U.S. Women’s Open 2020 sa Houston, Texas, US pa rin na inatrsado lang ng Covid-19 sa Disyembre 10-13, dating nakatakda ang torneo noong Hunyo.

 

Gayundin pinagkalooban ng Ladies Professional Golf Association (LPGA) ng slot din para sa $1.3M Drive On Championship- Reynolds Lake Oconee sa Okt. 22-25 (Okt. 23-26 sa Pilipinas) sa Greensboro, Georgia sa Amerika pa rin.

 

Umangat sa rekord na 478 baitang ang ranking ng Pinay golf star sa sa world women’s golf ranking, buhat sa 712th patungong 234th.

 

Siya na ang No. 2 female player ng ‘Pinas, pinalitan si Dottie Ardina sa world at Olympic rankings. Nakaentra si Pagdanganan sa No. 47 spot sa latest Olympic rating kung saan top 60 mga lalaro para sa 32nd Summer Games 2021 sa Tokyo, Japan sa darating na Agosto 6-9.

 

Napunta si Aridna sa world No. 312 sa Olympic No. 54 bilang pangatlong pro golfer ng bansa.

 

Ang Fil-Japanese na sinilang sa San Ildefondo, Bulacan at newbie si Yuka Saso, 19 ang nangunguna pa rin sa sa bisa ng dalawang korona sa LPGA Tour of Japan.

 

World No. 74 at nasa top 30 sa Olympic race ang dalagang nakabase sa ngayon sa Tokyo, Japan kung saan naroon ang mga kapatid sa amang Hapones at inang Pinay.

 

Dalangin ng OD na may dalawa nga tayong magiong pambato sa susunod na taong Olympics upang mas Malaki ang tsansa nating matapos na ang tagtuyot sa medalyang ginto sapul pa noong 1924 sa Paris Games. (REC)

Other News
  • Ads February 10, 2020

  • Cardona magbabalik MPBL

    NAKATAKDANG sa hardcourt ang ex-professional na si Mark Reynan Mikesell  ‘Macmac’ Cardona sa 4th Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 2021 sa Hunyo.     Ipinaskil ng 39-anyos, 6-0 ang taas na beteranong basketbolista sa kanyang Instagram account ang muling paglalaro sa regional pro league.     Kaya lang ay hindi na pero hindi na sa […]

  • Slaughter, Aguilar medya pa lang ang pag-eensayo

    NAG-BONDING na uli sa hardcourt ang ‘kambal na tore’ ng Barangay Ginebra San Miguel na sina Gregory William ‘Greg’ Slaughter at Japeth Paul Aguilar, ayon sa isang social media account post ng huli nito lang isang araw.     Sa Instagram story ni Slaughter, 32, isang maikling clip na kinuhanan sa isang gym sa Pasig […]