Pagdiriwang ng Eid’l Adha sa Sabado, Hulyo 9, regular holiday
- Published on July 8, 2022
- by @peoplesbalita
OPISYAL na idineklara ng Malakanyang na regular holiday sa buong bansa ang araw ng Sabado, Hulyo 9, 2022 bilang paggunita sa Eid’l Adha (Feast of Sacrifice).
Ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ay isa sa dalawang “greatest feasts” ng Islam.
Sa bisa ng Republic Act No. 9849, ang tenth day ng Zhui Hijja, 12th month ng ISlamic Calendar, ang national holiday para sa pagdiriwang ng Eidul Adha (Eid’l Adha) ay may movable date.
Pagsunod sa 1442 Hijrah Islamic Lunar Calendar, ang National Commission on Muslim Filipinos ay inirekumenda na ang Hulyo 9, 2022, araw ng Sabado, ay ideklarang national holiday bilang pagdiriwang sa Eid’l Adha.
Ang pagdiriwang ng Eid’l Adha ay dapat na “subject to the public health measures” ng national government. (Daris Jose)
-
Construction worker kinatay ng kainuman sa Malabon
NASAWI ang 45-anyos na construction worker matapos pagsasaksakin ng kanyang kalugar makaraang magkapikunan habang nag-iinuman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Naisugod pa ng kanyang anak sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Narciso Yureta, at residente ng Block 2, Kadima, Letre, Road, Brgy. Tonsuya subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng […]
-
Ayaw makisawsaw sa gulo sa Myanmar
WALANG balak makisawsaw ang gobyerno ng Pilipinas sa nagaganap na kaguluhan sa gobyerno ng Myanmar. Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, makaraang magkasa ng kudeta ang militar laban kay Myanmar State Council Aung San Suu Kyi at ilan pang matataas na opisyal dahil sa “election fraud” o dayaan sa eleksyon. Ani […]
-
Economic adviser ni ex-PRRD pahaharapin sa P3-B shabu probe ng Kamara
PAHAHARAPIN ng House Committee on Dangerous Drugs sa susunod nitong pagdinig kaugnay ng P3 billion halaga ng shabu na nakumpiska ng otoridad sa Pampanga si Michael Yang, na naging presidential economic adviser ni dating Pangulong Rodrigo. Ayon sa chairperson ng komite na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, lumalabas sa imbestigasyon […]