Paggamit ng e-cigar/vapes sa pampublikong lugar, bawal na rin – EO 106
- Published on February 29, 2020
- by @peoplesbalita
INILABAS kahapon, Pebrero 28 ng Malacañang ang isang Executive Order (EO) na nagbabawal sa paggawa, pagbebenta at pag-advertise ng mga hindi rehistradong electronic cigarettes (e-cigar) o vapes at iba pang mga naglalabasang bagong uri ng tobacco products.
Ang Executive Order 106 ay nag-aamyenda sa nauna ng EO 26 na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Nakapaloob sa EO 106 na iniulat ng Department of Health (DOH) na ang paggamit at pagkakalanghap ng usok mula sa e-cigarettes o vapes ay nagdu-dulot ng kahalintulad na respiratory illness, cardiovascular diseases, addiction, cancer, neurodegeneration, brain development retardation at iba pang sakit na dulot ng paninigarilyo.
Kaugnay nito, imbes na “No Smoking Zone” ang ipapaskil na babala, gagawin na itong “Non-Smoking/Vaping Buffer Zone.” Habang “Designated Smoking/Vaping Area” (DSVA) ang mga lugar sa isang gusali na itatalagang puwedeng mag-yosi o mag-vape.
Dapat ding iisa lamang ang DSVA sa isang gusali at dapat sarado ito upang hindi maka-kalabas ang usok sa open air.
“Non-Smoking/Vaping Buffer Zone” (Buffer Zone) is a ventilated area between the door of a DSVA not located in an open space and the smoke/vape-free area. There shall be no opening that will allow air to escape from such Non-Smoking/Vaping Buffer Zone to the smoke/vape-free area, except for a single door equipped with an automatic door closer. Such door is distinct from the door of the DSVA, which shall be at least two (2) meters away from the other,” bahagi ng EO 26.
Samantala, kung dati ay mula 18-anyos lamang ang puwedeng bumili o bentahan ng sigarilyo, itinaas na ito sa edad na 21.
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EO 106 nitong Pebrero 26 at epektibo sa loob ng 15 makalipas ang publikasyon sa pahayagang may national circulation.
Inaatasan ng EO 106 ang Food and Drugs Administration (FDA) na bumuo ng implementing rules and regulations (IRR) sa loob ng 30 araw matapos maging epektibo ang EO.
-
IOC, nagbanta na parurusahan amg mga atleta na magpoprotesta sa Tokyo Olympics
Nagpaalala ang International Olympic Committee (IOC) sa mga atleta na dadalo sa Tokyo Olympics na huwag magbabalak na lumuhod at magtataas ng kamao bilang suporta sa racial equality. Ayon sa IOC na hindi sila magdadalawang isip na parusahan ang mga sinumang atleta na gagawin ang nasabing hakbang. Nakasaad kasi sa IOC […]
-
Pangulong Marcos inalala yumaong ama
NAGBIGAY ng madamdaming mensahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-35 anibersaryo ng kamatayan ng yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Sa facebook post ng Pangulo, umaasa siya na proud sa kanya ang ama ngayon. “My father lived in service to our country. He advocated for development, justice, […]
-
DOTr, OWWA lumagda sa kasunduan upang tulungan ang mga OFWs
Isang kasunduan ang nilagdaan ng Department of Transportation (DOTr) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang tulungan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho. Ang kasunduan ay naglalayon na bigyan ng trabaho ang mga OFWs na nawalan ng trabahao dahil sa pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay ng opurtinidad na magtrabaho […]