• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paggamit ng motorcycle shields simula na sa Hulyo 20

Simula sa Lunes, Hulyo 20 ay istrikto nang ipa­tutupad ng pamahalaan ang paggamit ng motorcycle shields upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

 

Matatandaang noong Hulyo 10 ay pinayagan na ang pag-aangkas ng mga mag-asawa sa motorsiklo ngunit dapat na may physical barriers pa rin sila upang malimitahan ang virus transmission.

 

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, na siya ring vice chairman ng National Task Force against the pandemic (NTF), sa ngayon ay sinisita pa lamang at binabalaan ang mga magkakaangkas na wala pa ring barrier sa kanilang motorsiklo.

 

Gayunman, simula aniya sa Lunes ay uumpisahan na rin ng Joint Task Force (JTF)-SHIELD ang panghuhuli sa mga motorcycle riders na patuloy na lalabag at hindi pa rin gagamit ng barriers kung may angkas ito.

 

Sa ngayon aniya ay may dalawang motorcycle shields na aprubado na ng NTF COVID-19 kabilang ang dinisenyo ni Bohol Gov. Arthur Yap at ang iminungkahi naman ng Angkas.

 

Tiniyak naman ni Año na ang dalawang naturang disenyo ay pinag-aralan at kapwa ligtas na gamitin. (Daris Jose)

Other News
  • 190K HCWs ang kailangan para mapunan ang patlang sa healthcare system sa Pinas

    MAY kabuuang 190,000 healthcare workers ang kailangan para mapunan ang puwang sa healthcare system sa Pilipinas.     Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na tinalakay niya ang bagay na ito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa sectoral meeting araw ng Miyerkules,     ”We will need the human resources, […]

  • Special QCinema Compilation Of LGBTQ Short Films Deserves A Second Look

    FROM its premiere last year with QCinema, How to Die Young in Manila by Petersen Vargas is about a surreal meet-up amidst a violent setting.     The film, which has been exhibited in Busan, LA Outfest & Singapore, stars Elijah Canlas where he portrays a teenage boy following a group of young hustlers, thinking […]

  • Fuel subsidy program handang ipagpatuloy ng pamahalaan sakaling manatiling mataas ang presyo ng langis sa PH

    MAGPAPATULOY  ang pamamahagi ng tulong pinansyal ng pamahalaan para sa mga sektor ng transportasyon at agrikultura ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.     Ipinahayag ito ni Diokno matapos ang isinagawang kauna-unahang pagpupulong ng economic team ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Aniya, handa ang gobyerno na ipagpatuloy ang pamamahagi ng nasabing ayuda […]