• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

World’s fastest man na si Usain Bolt, kinapitan ng COVID-19

Dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang world-record sprinter at eight-time Olympic gold medallist na si Usain Bolt.

 

Ayon sa health ministry ng Jamaica, posibleng nakuha raw ni Bolt ang COVID-19 ilang araw matapos idaos ang isang malaking party para sa kanyang ika-34 taong kaarawan kung saan wala raw suot na face mask ang mga dumalo.

 

Naglunsad na rin aniya ng contact tracing ang mga otoridad upang matukoy kung sinu-sino ang mga nakahalubilo ni Bolt.

 

Sa ngayon ay naka-self quarantine ngayon si Bolt sa kanyang tahanan sa nasabing bansa.

 

Una rito, nag-post ang Olympic sprinter ng video sa social media kung saan naghihintay daw ito ng kanyang resulta, bago himukin ang lahat ng kanyang mga nakasalamuha na sumailalim na rin sa quarantine.

 

“I’m just waking up, and like everybody else I checked social media which is saying I am confirmed to have Covid-19,” wika ni Bolt. “I did a test on Saturday to leave because I work. I am trying to be responsible so I am going to stay in and stay here for my friends.”

 

“I’m having no symptoms so I am going to quarantine myself and wait on the confirmation, to see what is the protocol and how I should go about quarantining myself,” dagdag ni Bolt. “Until then, I am saying anyone who has had contact with me should quarantine by themselves just to be safe, and just to take it easy.”

 

Batay sa pinakahuling datos, mayroon nang 1,612 kumpirmadong kaso ng virus ang Jamaica, na may 622 active cases at 16 deaths.

Other News
  • Tiger Woods, umatras sa mga sasalihang torneyo matapos sumailalim uli sa back surgery

    Napilitan si golf superstar Tiger Woods na umurong muna sa mga lalahukan sana nitong torneyo makaraang sumailalim muli sa back surgery.     Una rito, inanunsyo ng kampo ni Woods na sumalang ito kamakailan sa isang microdiscectomy surgery para tanggalin ang pressurized disc fragment sa kanyang likod.     Kaya naman, hindi muna maglalaro si […]

  • Cybersecurity measures, in-adopt para palakasin ang digitalisasyon ng Pinas — PBBM

    PINAIGTING ng administrasyong Marcos ang pagsisikap nito na magtatag ng cybersecurity infrastructure sa gitna ng hangarin na i-digitalize ang burukrasya.     Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa isinagawang  open forum sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, isang event na aniya’y excited sya na magpartisipa dahil mabibigyan siya ng pagkakataon na […]

  • PBBM, nakipagpulong sa int’l CEOs

    NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa international chief executive officers (CEOs) para pag-usapan ang mga potensiyal na business opportunities sa Pilipinas.     Ang  breakfast meeting ay idinaos sa pagitan nina Pangulong  Marcos at world’s top CEOs sa  Davos, Switzerland para magawa ng Pangulo na maipresenta ang investment climate sa Pilipinas,” ayon kay […]