• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paggamit ng ‘super app’ ng gobyerno, makababawas sa korapsyon

UMAASA  si  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mababawasan ang korapsyon sa paggamit ng  “e-Gov PH Super App” kung saan pagsama-samahin ang lahat ng government online services sa isang  plataporma.

 

 

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang paglulunsad ng super app ng gobyerno sa President Hall sa loob ng Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Ipinaliwanag ng Punong Ehekutibo na sa pamamagitan ng  app, magiging simple ang public services  at walang “discretion” mula sa government employee.

 

 

Sinabi pa nito na sa pamamagitan ng sistema, ang problema ng publiko sa pakikipagsabwatan sa “fixers” ay maiiwasan.

 

 

“There is another part of this that is extremely important, that we sometimes do not talk about and that is the lessening of corruption. Because, you do not have to talk to a person at all, for the entire process, wala kang kausap na tao . There’s no discretion that’s being exercised at any point. It’s either yes, no, yes, no… it’s binary,” ang pahayag ni Pangulong Marcos  sa kanyang naging talumpati.

 

 

“That way, it simplifies the process especially for the citizens and there is no discretion being exercised by anyone. Eh kung di mo ko lagyan, hindi ko ipapaano ito. Iipitin ko ito, mga ganon. Kausapin mo si ganito, ganyan, siya magaayos, ‘yung fixer niya. Mawawala na ‘yan. We owe that to the people,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na ang buong ideya ng e-governance ay marapat na gawin ng Pilipinas sa panahon ng digitalisasyon.

 

 

“We did a survey of how people used the internet in the Philippines and the result was quite enlightening. They say, 95% of their daily activities, the shopping, the paying, the bank, even the payments to government, 95% are done online,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Ano ‘yung 5%? Government. We cannot do it online, we have to go to the office, we have to collect the birth certificate, the documentation, the clearance and then we go to the government and they say ‘you’re missing one document.’ Balik na naman. That just won’t work,” dagdag na wika nito.

 

 

Samantala, ang national ID  ay gagamitin bilang single verification para sa  government transaction sa pamamagitan ng government super app.

 

 

Binigyang diin ni Pangulong Marcos  na ginagawa na ng pamahalaan ang makakaya nito para sa delivery  ng national IDs, sabay sabing  “they are really going to be the central focal point for the dissemination of information and the dissemination of services.”

 

 

“That’s what we’re working on and I think we’re making a good deal of progress, we’re finding those operations, those groups who were able to print them out. Right now, it’s a little unsatisfactory because what we call an ID is essentially a picture of an ID. There’s no data that backs it up,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na nagbigay na si Pangulong Marcos ng kautusan para idetermina ang dahilan ng pagkaantala ng pagpapalabas ng  IDs.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Uy na maaari nang i-download ng pubiko ang  app “for free” mula sa Apple Store at Google Play.

 

 

“This will be a continuing process as we continually improve the system, as we continue to bring together all the government agencies in the platform,” ayon kay Uy.

 

 

“I hope you enjoy the new experience of the Philippine government online,” dagdag na pahayag ni Uy.  (Daris Jose)

Other News
  • NBA draft inilipat sa Nov. 18

    Itinakda sa November 18 ang 2020 NBA draft.   Ito ay para may panahon pa sila para kumpirmahin ang pagsisimula ng susunod na NBA season.   Ayon sa NBA, ang revised date ay mabibigyan nang karagdagang panahon para sa pagsasagawa ng 2020 pre-draft process, pagkuha ng iba pang impormasyon tungkol sa pagsisimula ng 2020-21 season. […]

  • Galvez, humingi ng paumanhin sa publiko dahil sa vaccination delay sa ilang LGUs

    HUMINGI ng paumahin si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa publiko dahil sa vaccination delay sa ilang local government units (LGUs) bunsod ng kakulangan ng suplay ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).   Tiniyak ni Galvez sa publiko na magiging normal ang sitwasyon sa Hunyo 14.   Ani Galvez, nagkaroon ng problema matapos […]

  • Death penalty iraratsada ng Kamara

    Iraratsada na ng Kamara ang panukalang ibalik ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection laban sa mga convicted drug traffickers sa bansa.   “The House of Representatives is ready to stand up to the task and pass the priority bills outlined by President Rodrigo “Rody” Duterte in his fifth State of the Nation Address […]