• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paggamit ng vape sa indoor public places, papatawan ng multa na P5K-P20K

PAPATAWAN ng mabigat na parusa ang mga mahuhuling maninigarilyo ng vapes sa indoor public places kabilang na sa government offices, mga paaralan, paliparan at simbahan.

 

 

Sa inisyung department administrative order ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagsasaad ng implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act No. 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.

 

 

Nakapaloob din dito na ang minimum allowable age na pinapahintulutang makabili, magbenta o gumamit ng vapes ay 18 years old.

 

 

Ayon sa datos mula sa Department of Educations na nasa 1.1 million mga mag-aaral ang nasa edad 18 hanggang 20 anyos para sa school year 2020-2021 at ito aniya ang bilang ng mga mag-aaral na maaaring payagan na makabili ng mapanganib na produkto sa ilalim ng vape law na nauna na ring ibinabala ng ahensiya na mapanganib sa kalusugan.

 

 

Ang mga first time offenders ay mumultahan ng P5,000 ahabang ang mga mahuhuling nag-vivape sa indoor public places na mahuhuli sa ikalawang pagkakataon ay mumultahan ng P10,000 at P20,000 para sa third offense.

 

 

Para naman sa mha lalabag na vape business entities o establishments ay kakanselahin ang kanilang business permits.

 

 

Ang mga establishments at retailers naman na magbebenta sa minors ay mumultahan ng P10,000 o pagkakakulong ng 30 araw o mas mababa depende sa discretion ng korte sa first offense.

 

 

Samantala, ang mga brick at mortar stores at online traders ay minamandato na magrehistro sa gobyerno para magbenta ng vape products.

 

 

Ang mga lalabag naman sa naturang requirements ay mumultahan ng P100,000 sa first offense at P200,000 sa second offense.

 

 

Sa third offense ay may penallty na P400,000 at revocation ng kanilang business permits.

 

 

Sa manufacturers, importers, distributors o retailers na mapatunayang lalabag sa requirements sa product packaging ay mumultahan ng P2 million hanggang P5 million, at pagkakakulong ng 2 hanggang 6 na taon. (Gene Adsuara)

Other News
  • ‘Honest mistake’ – Mayor Abby

    Humingi ng paumanhin kahapon si Makati City Mayor Abigail Binay kaugnay sa viral video ng isang volunteer nurse na hindi naiturok ang lamang COVID-19 vaccine sa isang indibidwal.     Ani Mayor Abby, isang honest mistake ang nangyari na agad namang naitama.     “We acknowledge the video, it was a human error on the […]

  • ORDINANSA NA TUTUGON SA PROBLEMA NG MALNUTRISYON SA MGA BATA SA MAYNILA, NASA IKATLONG PAGBASA NA

    IPINASA ng Konseho ng Lungsod ng Maynila sa Ikatlong Pagbasa ang lokal na bersyon ng Republic Act 11037 o ang Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act na naglalayong tugunan ang problema ng malnutrisyon sa mga bata sa isinagawang regular na sesyon nitong Mayo 25.     Ang panukala, na tatawaging Masustansyang Pagkain para sa […]

  • 100 NAVOTEÑO FISHERFOLK NAKATANGGAP NG BANGKA AT LAMBAT

    UMABOT sa 100 rehistradong Navoteño fisherfolk ang nakatanggap ng 30-footer fiberglass boats at fishing nets mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco.     Pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco ang ginanap na turnover kasabay ng ika-14 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas.     Nauna rito, 448 fisherfolk […]