Pagiging kulelat ng Pinas sa Bloomberg COVID-19 Resilience Ranking, binigyang katwiran ng Malakanyang
- Published on December 3, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ng Malakanyang na ang kakulangan sa country-specific gauge at matinding kahalagahan sa reopening progress ang dahilan kung bakit napaulat na ang Pilipinas ay itinuturing na “worst” o kulelat pagdating sa pandemic resilience sa Bloomberg COVID-19 Resilience Ranking.
Tinukoy ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang COVID Resilience Ranking ng Bloomberg para sa buwan ng Nobyembre, nagpapakita na ang Pilipinas ay kulelat mula sa 53 bansa na may resilience score na 43.1.
Ang indicators na ginamit ng Bloomberg ay kinabibilangan ng reopening progress, COVID-19 status at kalidad ng buhay.
“We acknowledge that the data provided by Bloomberg in its COVID-19 Resilience Ranking may be useful in evaluating our pandemic response. [But] we have to consider that the 53 countries in the report have different COVID-19 experiences and strategies. There is little consideration for country-specific COVID-19 context, which in our view is imperative to objectively assess how countries managed pandemic response,” ayon kay Nograles.
“A case in point is the importance given by Bloomberg in reopening progress, which involves lockdown severity, flight capacity and vaccinated travel routes,” dagdag na pahayag ni Nograles.
Tinukoy ni Nograles ang Alert Level System policy sa bansa na naging daan para bumaba ang bilang ng mga active COVID-19 cases kung saan ay mayroon lamang 425 bagong COVID-19 cases na naitala kahapon, Nobyembre 30 na itinuturing namang pinakamababang naiulat ngayong 2021.
“On top of the positivity rate which is at 2.1% which is one of the lowest since testing data became available in April 2020 and well within the standard 5% set by the World Health Organization,” ani Nograles.
Bukod dito, iginiit din ni Nograles na 1.71% case fatality rate ng bansa ang nananatiling “one of the lowest,” kung saan ang Pilipinas ay nag- ranked 84th sa buong mundo sa Johns Hopkins University at walang overcrowding sa mga ospital sa bansa “with utilization rate registering all below 30% as of November 30, 2021.”
Idagdag pa rito, sinabi ni Nograles, ang nagpapatuloy na three-day COVID-19 vaccination na inaasahang makapagbabakuna ng 9 milyong katao bago matapos ang araw na ito at 7.1% economic growth ng bansa sa third quarter na lagpas sa pagtatantiya.
“We reiterate that our goal is to strike a balance between the management of COVID-19 and the safe reopening of the economy––to protect lives and secure livelihoods. Having said this, our economic team will continue to put a greater emphasis on our country-specific conditions or context in order to craft policies that are more responsive to our people’s needs and the requisites of economic recovery,” ani Nograles.
Sa ulat, nananatili pa ring kulelat ang Pilipinas pagdating sa Bloomberg COVID-19 resilience ranking para sa buwan ng Nobyembre.
Ito ay sa kabila ng tumataas na vaccination rate at bumababang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa pinakahuling report ng Bloomberg, nasa hulihan pa rin ang Pilipinas sa 53 na mga bansa na kasama sa listahan.
Nakuha ng bansa ang resilience score na 43.1 mas mataas sa 40.5 na score nito noong Oktubre.
Sa kabila nito hindi pa rin gumalaw ang Pilipinas sa 53rd spot kasunod ng Indonesia, Vietnam at Malaysia.
Hinirang naman ang United Arab Emirates bilang “best place to live in during the pandemic” matapos makakuha ng resilience score na 73.2, sinandan ng Chile na may 72.6, Finland na may 71.3, Ireland na may score na 71.2, at Spain na may 70.9.
Matatandaang noong Oktubre, ang Pilipinas ay kulelat din sa rank sa hanay ng 53 bansa sa Bloomberg COVID-19 Resilience Ranking. (Daris Jose)
-
Malakanyang, walang panahon para patulan ang maagang pamumulitika at pangangampanya ni VP Leni
AYAW pag-aksayahan ng panahon ng Malakanyang ang maagang pamumulitika at pangangampanya ni Vice-President Leni Robredo. Sa isang kalatas, sinabi kasi ni OVP spokesperson Atty. Barry Gutierrez na masyadong nakatuon ang pansin ng administrasyon sa pag-atake sa Pangalawang Pangulo, kaysa tugunan ang mga problema ng bansa. “Well, hindi po, hindi po namin siya pinag-aaksayahan […]
-
Marami ang pumuri pero meron ding ilan na nanglait: Sexy photos ni JULIA suot ang animal print lingerie, pinagpiyestahan ng netizens
SA latest IG post ni Julia Barretto, pinasilip na niya ang sexy photos na suot ang animal print lingerie para sa latest movie niya sa Vivamax. Caption niya, “Hello? It’s Candy. I’m coming soon. “EXPENSIVE CANDY” FULL TRAILER DROPS TOMORROW at 7PM. ” Pinusuan ng mga netizens ang hot na hot photos ni […]
-
DOTr lumagda sa P142-B kontrata ng PNR Bicol project
Ang pamahalaan ng Pilipinas ay lumagda sa isang kontrata para sa pagtatayo ng unang bahagi ng Philippine National Railways (PNR) Bicol project. Nilagdaan ng Department of Transportation (DOTr) ang P142 billion na kontrata na isang joint venture ng China Railway Group Ltd, China Railway No. 3 Engineering Group Co. Ltd at China Railway […]