• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkamatay ng mag-ama sa pamamaril sa Navotas, kinondena ni Tiangco

MARIING kinondena ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang nangyaring madugong pamamaril ng dalawang hindi kilalang salarin na ikinamatay ng isang mag-ama at ikinasugat ng dalawa pang katao sa naturang lungsod.

 

 

Nagpaabot din ng kanyang taos pusong pakikiramay si Mayor Tiangco sa pamilya ng mga biktima at nangakong ibibigay sa kanila ang nararapat at kailangan nilang tulong.

 

 

Hinimok rin ng alkalde ang Navotas police sa pamumuno ni P/Col. Dexter Ollaging na bilisan ang imbestigasyon para sa agarang pagkakaaresto sa mga salarin upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

 

 

Sa inisyal na ulat, nasa loob ng kanilang tirahan ang mga biktimang si Jhomarie Flores, 30, 10-anyos niyang anak na lalaki at live-in partner na si Cerina Dela Cruz, 28, sa No. 29 Bagong Kalsada St. Brgy. Tangos South, kasama ang 29-anyos na babaeng testigo dakong alas-8 ng gabi noong October 14, 2022 at naghahanda ng mga pagkaing paninda sa kanilang food stall nang dumating ang dalawang armadong lalaki.

 

 

Sa pahayag sa pulisya ng testigo, ang isa sa mga suspek na nakasuot ng puting t-shirt, itim na cap at maong na pantalon ay nagsimulang magpaputok ng baril sa kanilang bintana habang ang isa namang nakasuot ng asul na t-shirt, violet na cap at maong na pantalon ay sa harap ng kanilang pintuan nagpaputok ng baril.

 

 

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ang mga biktima, kasama si Gerardo Garcia, 30, residente rin sa lugar na tinamaan din ng bala sa Navotas City Hospital subalit, hindi na umabot ng buhay ang mag-ama.

 

 

Inilipat naman sa Tondo Medical Center si Dela Cruz at Garcia kung saan sila ginagamot habang nakuha ng mga nagrespondeng tauhan ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basyo ng bala at dalawang tingga mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

 

 

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa pamamaril. (Richard Mesa)

Other News
  • 700 EMPLEYADO NG BI NABIGYAN NA NG 2ND DOSE NA BAKUNA

    MAHIGIT  700 na rank and file employees ng Bureau of Immigration (BI)  ang nakatanggap na ng second dose  ng Sinovac COVID-19 vaccine  nitong nakaraang Linggo.     Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na ang 700 na BI works ay nabakunahan nitong Sabado at Linggo sa tanggapan ng BI sa Intramuros, Manila.     “Now […]

  • 50K tauhan ng PNP, BFP idineploy

    Mahigit sa 50,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang idineploy ng pamahalaan para matiyak ang maayos na daloy ng national COVID-19 vaccine rollout sa bansa.     Kasunod na rin ito nang inaasahang pagbabakuna ng pamahalaan ngayong Hunyo ng may 35.5 milyong manggagawa na nasa ilalim ng A4 […]

  • ‘Gumawa ng paraan para mabakunahan lahat’

    Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government unit (LGU) na maghanap ng mabisa at sistematikong paraan para matukoy kung sino sa kanilang mamamayan ang hindi pa naturukan ng COVID-19 vaccine.     Sa kanyang “talk to the nation” nitong Lunes ng gabi sinabi ng pangulo na dapat gawin lahat ng mga LGU ang […]