• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkatapos na maisilang ang first baby: BIANCA, na-miss agad at gustong mabuntis uli

PAGKATAPOS na isilang ang kanyang first baby noong nakaraang buwan, miss na raw ulit ni Bianca King ang maging buntis.

 

 

Sa kanyang isang post sa Instagram, sinabi ni Bianca ay, ““I miss being pregnant. I wanna do it again.”

 

 

Hindi naman tinago ni Bianca sa social media ang kanyang postpartum belly. Meron si Bianca na tinatawag na “belly recovery collection” kunsaan may update siya sa na-stretch na tiyan dahil sa pagbubuntis. Gumagamit si Bianca ng compression shorts or belly bands para mabalik sa dati ang kanyang tiyan.

 

 

Marami pang na-discover si Bianca sa kanyang pagiging first-time mom, tulad na lang ng pag-inom ng colostrum na malaking tulong sa pagpapa-breastfeed niya dahil na-experience niya ang magkaroon ng sore nipples.

 

 

Pero sa kabila ng mga pinagdaraanan ni Bianca, enjoy ito sa kanyang pagiging ina kaya huwag magtaka kung biglang masundan agad ang panganay nila ng mister niyang si Ralph Wintle.

 

 

Na-base sa Australia ang mag-asawa simula noong ikasal sila sa Sydney noong 2021.

 

 

***

 

 

ENGAGED na ang ‘Stranger Things’ star na si Millie Bobby Brown sa boyfriend nitong si Jake Bongiovi.

 

 

Sa Instagram ay suot ng 19-year old actress ang isang diamond ring na senyales ng kanyang engagement kay Jake. May caption ito na: “I’ve loved you three summers now, honey, I want ’em all.”

 

 

Si Jake, 20, naman ay pinost ang same photo with the caption: “Forever.”

 

 

Summer 2021 noong mag-date ang dalawa sa New York City. Tawagan pa nila noon ay “BFF” or Best Friend Forever.

 

 

Noong nakaraang February na birthday month ni Millie, tinawag siya ni Jake na “the girl of my dreams.” Reply naman ni Millie ay “I love you more than words can describe. Everything about you is golden down to the core.”

 

 

Si Jake Bongiovi at anak ng rock icon na si Jon Bon Jovi

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Ravena, San-En taob uli

    Ito ang sinapit ni Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III nang mapulbos ng 32-puntos ng Akita Northern Happinets ang San-En NeoPoenix, 85-53,  sa 5th Japan B. League 2020-21 elims nitong Linggo.   Bumida para sa Akita si Noboru Hasegawa na  may 16 points mula sa pinamalas na 4-of-6 shooting buhat sa 3-point shot upang pabagsakin ng dalawang beses […]

  • Ads August 2, 2021

  • KASO NG OMICRON SUBVARIANT BA 2.75, NAITALA SA BANSA

    INIULAT  ng Department of Health (DOH) nitong Martes na naitala ng bansa ang mga unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.75 na kaso.     Sinabi i ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na ang unang dalawang kaso ng BA.2.75 subvariant ay parehong mula sa Western Visayas na aniya ay kapwa nakarekober na sa virus.   […]