Pagkatengga ni Diaz dinokyu ng Malaysia TV
- Published on September 30, 2020
- by @peoplesbalita
ITINAMPOK si 2016 Rio de Janeiro Summer Olympic Games women’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz sa isang television program sa Malaysia kung saan siya patuloy na stranded sapul noong Marso dahil sa Covid-19.
Pero patuloy na nagti-training para mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan sa darating na Hulyo ang 29-anyos, may limang talampakan ang taas at tubong Zamboanga City na dalaga sa Nadi Weekend, isang segment ng programa sa telebisyon na pinamagatang “The Stranded Champion” dahil sa may anim na buwan na niyang pagkatengga sa maunlad na Muslim country.
“I had a TV appearance on Nadi Weekend here in Malaysia. Thank you @AstroArenaHd for the experiences. For those that didn’t watch the AstroArena Documentary “The Stranded Champion” you can watch it on YouTube,” salaysay ng sundalo ng Philippine Air Force (PAF) sa isang post nitong isang araw sa kanyang Instagram account.
Sa nasabing bansa inabot ng lockdown si Diaz nitong Marso kasama ang iba pang miyembro ng national weightlifting team. Patungo dapat ang koponan sa isang Olympic Qualifying Tournament (OQT) bago nagsara ang mga bansa dahil sa pandemic kaya na may anim na buwan na roon.
Pero tuloy naming nagpapakondisyon ang reigning Asian Games at Southeast Asian Games champion sa naturang bansa. Katunayan sumali pa siya sa isang online international lifting tournament na kanyang napagtagumpayan ilang linggo pa lang ang nakararaan.
Sana magkatulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at PAF na mapauwi na ang ating barbelista sa ‘Pinas. Kawawa rin doon si Diaz, para naman makasama ang pamilya.
Matagal-tagal na rin ang pamamalagi niya roon, sana huwag siyang abutin doon ng Pasko o Bagong Taon. (REC)
-
Gilas training magsisimula na!
AARANGKADA na ngayong araw ang training camp ng Gilas Pilipinas para paghandaan ang fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers. Magagaan na workouts muna ang pagdaraanan ng Gilas Pilipinas pool sa unang araw ng training sessions nito. Hindi pa kumpleto ang pool dahil wala pa sa Maynila sina NBA star […]
-
Covid-19 vaccine ng Russia na inalok sa Pinas kailangan munang dumaan sa FDA
KAILANGAN pa rin na dumaan sa tamang proseso ang iniaalok ng bansang Russia sa Pilipinas na bakuna na na-developed nito laban sa COVID . Ang katwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, may batas na ipinaiiral sa Pilipinas ukol sa paggamit ng isang gamot for public consumption na dapat sundin. Kailangan aniyang dumaan ang Covid-19 vaccine […]
-
Natuklasang dalawang biyahero na nasa Pinas na may omicron variant, nasa quarantine facilities na –Nograles
KAPWA nasa quarantine facilities na ang dalawang byahero na tinamaan ng Omicron variant. Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ipinaalam na sa Office of the President ang dalawang kaso ng Omicron variant na natuklasan ngayon sa Pilipinas. “As earlier reported by the Department of Health, the variant was […]