Pagkilala sa mga pangunahing produkto ng Catanduanes, Davao City at San Jose, Batangas, aprubado
- Published on November 7, 2020
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN kahapon ng House Committee on Agriculture and Food na pinangunahan ni Vice Chairman at Negros Occidental Rep. Francisco Benitez ang House Bills 6149, 7460 at 7660 na maggagawad ng pagkilala sa mga mahahalagang produkto ng Catanduanes, Davao City at San Jose, Batangas.
Ang HB 6149 na inihain ni TGP Party-list Rep. Jose Teves Jr. ay kinikilala ang Catanduanes bilang “Abaca Capital of the Philippines” dahil sa pagiging pinakamalaking pinanggagalingan ng abaca na bihira lamang na makukuha sa bansa, at nagsu-suplay ng mataas na kalidad ng natural na hibla sa buong mundo.
Sinabi ni Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) Executive Director Dr. Liza Battad PhD na ang panukala ay magbibigay ng suporta at pagtuon sa pagsisikap ng Department of Agriculture (DA), lalo na ang Phlippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA), sa paglalagay ng istratehiyang plano upang paunlarin at suportahan ang mga nasa larangan ng industriya ng abaca.
Inaprubahan din ng komite ang HB 7460 na iniakda ni Abono Party-list Rep. at Deputy Speaker Conrado Estrella III na nagdedeklara sa Lungsod ng Davao bilang Chocolate and Cacao Production Capital of the Philippines.
Ang Davao Cacao ay kinikilala bilang isa sa pinakamahusay sa buong mundo at ang mga lokal na uri nito ay nakikipagpaligsahan sa mga pandaigdigang kompetisyon, bukod pa sa maraming lokal at pandaigdigang tagagawa ng tsokolate ay binibili ang kanilang mga buto sa Davao.
Aprubado din sa komite ang HB 7660 o ang panukalang “Egg Basket Act” na inihain ni Batangas Rep. Lianda Bolilia na nagsabing ang San Jose, Batangas ay nakakapag-suplay ng 705 metriko tonelada ng itlog ng manok kada araw na dahilan upang maging pinakanangungunang bayan sa bansa sa produksyon ng itlog ng manok. (Ara Romero)
-
Sen. BONG, KIM at ANGEL, kasama sa unang makatatangap ng Isah V. Red Award sa ‘4th EDDYS’
TULOY na tuloy na sa Marso 22 ang pagbibigay ng parangal ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa mga de-kalidad at natatanging pelikula ng 2020. Virtual gaganapin ang 4th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) kung saan maglalaban-laban ang mga de-kalibreng pelikulang Filipino na ipinalabas sa iba’t ibang platforms sa kabila ng Covid-19 pandemic. […]
-
Spurs star Wembanyama nagtala ng record sa NBA
NAGTALA ng record sa kasaysayan ng NBA si San Antonio Spurs star Victor Wembanyama. Siya lamang kasi ang pang-apat na pinakabatang manlalaro ng NBA na nagtala ng 50 points sa isang laro. Naitala nito ang nasabing puntos sa panalo ng Spurs kontra Washington Wizards 139-130. Sa edad nitong 20-anyos […]
-
Movie nina DANIEL at CHARO, magku-compete sa ‘74th Locarno Film Festival’ sa Switzerland
ANG first feature film ni Carlo Francisco Manatad na Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine) ay kabilang sa official selection ng ika-74 na Locarno Film Festival sa Switzerland, kung saan magkakaroon ito ng world premiere sa Concorso Cineasti del Presente (Filmmakers of the Present) section. Ang Kun Maupay Man […]