Pagkuha o pagbili ng Covid-19 vaccine ng Pilipinas mas mapapabilis
- Published on November 20, 2020
- by @peoplesbalita
MAS mgiging madali na para sa bansa ang pumili at bumili ng Covid-19 vaccine.
Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraan niyang italaga si Finance Sec. Carlos Dominguez na maging katuwang ni Sec. Carlito Galvez sa pangangasiwa ng bibilhing bakuna sa ibang bansa.
Ang paliwanag ng Chief Executive, mahalaga rin ang gagampanang papel ni Sec. Dominguez sa pagbili ng bakuna ng bansa dahil nangangailangan aniya ito ng Budget allocation.
Sinabi ng Pangulo na kaya niya itinalaga si Sec. Dominguez na maging katuwang ni Sec. Galvez ay upang matiyak na mayroong sapat na pondo ang gobyerno para bumili ng de-kalidad at epektibong bakuna laban sa Covid-19.
Samantala, muli namang sinabi ni Pang. Duterte na mayroon nang nadiskubreng bakuna at nabigyan na aniya siya ng opsyon kung paano makakakuha nito ang Pilipinas. (Daris Jose)
-
Suporta ng private sector sa nat’l greening program, hinirit ni Cimatu
UPANG higit pang mapangalagaan ang kalikasan, nanawagan si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy A. Cimatu sa private sector na makipagtulungan sa pamahalaan para sa pagpapatupad ng Enhanced National Greening Program (ENGP), na isang hakbang ng gobyerno upang madagdagan ang “forest cover” sa bansa. “We hope to encourage more private companies […]
-
Relationship status ni PBBM sa pamilya Duterte, ‘It’s complicated.’
“IT’S COMLICATED.” Ganito ilarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang relasyon sa pamilya Duterte. Tinanong kasi ang Pangulo sa Foreign Correspondents Association of the Philippines’ (FOCAP) presidential forum sa Manila Hotel kung ano na ang kalagayan ng kanyang relasyon sa pamilya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Inamin […]
-
Charles III, nagpaabot kay PBBM ng “warmest felicitations” para sa ina nitong si Unang Ginang Imelda Marcos
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkakilala ang kanyang ina na si Unang Ginang Imelda Marcos at King Charles III. Sa katunayan aniya ay tinanong at kinamusta ni King Charles III ang kanyang ina sa idinaos na coronation nitong weekend. Ikinuwento ng Pangulo na matagal ng magkakilala ang kanyang ina […]