• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Paglagay sa NCR sa mas mababang alert level sa kabila ng Omicron variant, inaaral pa’

Kasalukuyang pinag-aaralan ng Inter Agency Task Force (IATF) na ilagay sa mas mababang alert level ang National Capital Region (NCR).

 

 

Ito’y sa kabila ng banta ng bagong Omicron variant ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

 

Ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tinitignan na ng IATF kung napapanahon nang ilagay sa Alert Level 1 ang Metro Manila lalo na’t mababa na rin ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa NCR.

 

 

Pero nakasalalay pa rin aniya sa vaccination coverage ang pagpapababa na ng alert level hindi lamang sa NCR kundi pati sa ilang lugar sa bansa.

 

 

Kailangan kasing magkaroon ng 70 percent na vaccination coverage para sa mga senior citizens, gayundin sa persons with comorbidities at target population.

 

 

Sinabi ni Vergeire na kasabay ng pag-aaral ng IATF sa pagluluwag ng alert level sa NCR ay nais nilang tutukan ang mga komunidad sa ngayon na karamihan ay nasa Alert Level 2.

 

 

Ang NCR naman ay nasa ilalim ng Alert Level 2 hanggang sa Disyembre 15. (Gene Adsuara)

Other News
  • DOH, itinuturing na isang magandang development sakaling makamit ng mas maaga ang target na 70M fullly vaccinated individuals

    KUMBINSIDO ang Department of Health (DOH) na makakamit ng bansa ang 70 million fully vaccinated individuals bago pa matapos ang unang quarter ng taon.     Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOH Usec. Myrna Cabotaje na “as of January 29, 2022,” pumalo na sa 60 million ang nabigyan ng first dose at 58.6 million […]

  • Perez mas maaga ng 1 linggo sa mga kasama

    MAYROONG dalawang tsansa na makapag-32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa Hulyo 2021 si Christian Jaymar ‘CJ’ Perez sa pagiging myembro ng national 3×3 at 5-on-5 national men’s basketball teams.   Kaya naman todo ang 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft na si Perez na magpakondisyon para sa natatanging posibilidad […]

  • DICT, tinitingnan, pinag-aaralan ang partnership sa PPP, LGU para ipatupad ang nat’l broadband program

    TINITINGAN ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang  public-private partnerships (PPP) at koordinasyon sa  local government units (LGUs) para mapabilis ang implementasyon ng  National Broadband Program (NBP) ng gobyerno.     “We are exploring possibilities of PPPs with the private sector and also looking at partnering with the LGUs po in deploying some […]