• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglilinis ng special task force, inutos ng NBI

IPINAG-UTOS ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes ang paglilinis ng Special Task Force (STF) nito base sa natuklasang ulat na isa sa kanilang tauhan ang nasangkot sa  maling gawain.
Sinabi ng NBI na ipinag-utos din ni Santiago ang suspek ayon sa operasyon ng STC at inatasan ang Internal Affairs Division na mag-imvestigasyon.
Ang hakbang ni Santiago ay kasunod ng Sept.11 STF operation laban sa isang clinic sa Makati na natuklasang nag-o-operate ng walang medical.license at akreditasyon.
Sa nasabing operasyon, inaresto ng mga ahente ng STF sina Nguyen Thi Thu Ha at kanyang kasabwat na Filipino na nakilalang si  Demi Nhor Abelada Robles at Mary Frinces Listones Dalaguite.
“However, information belatedly reached the Office of the Director that one of the members of the team committed an abhorrent deed during the operation. This information should have been reported promptly as it affects not only the operation’s credibility but the NBI’s reputation,” ayon sa bureau.
“In his embarrassment, the agent decided to tender his resignation from the service which was accepted by the Director,” ayon pa sa NBI.
Bukod sa pagbibitiw, naghain din ng kaukulang kaso ang NBI laban sa nasabing ahente sa  Office of the City Prosecutor of Makati City.
Hindi naman binanggit ng NBI ang pangalan ng ahente at kanyang offense.
Ipinag-utos din ni Santiago na ang proseso ng pagpili para sa mga ahente at tauhan ay maging mas mahigpit upang hindi  makita o marinig ang mga katulad na insidente sa hinaharap.”
Kasabay nito, sinabi ng NBI na hinihikayat ni  Santiago ang pamunuan ng NBI, mga ahente at empleyado nito na suportahan siya sa pagtiyak na ang NBI ay malaya mula sa mga maling gawain at masasamang elemento. GENE ADSUARA
Other News
  • Travel ban sa 7 bansa pinalawig – BI

    Muling ipatutupad ng Bureau of Immigration (BI) ang ekstensyon sa travel ban sa pitong bansa upang maiwasang makapasok ang Indian variant ng COVID-19 hanggang sa Hunyo 30.     Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ito ay bilang pagsunod sa utos galing sa Malacañang na huwag pa ring papasukin ang mga biyahero mula sa […]

  • Pdu30, sobrang kumpiyansa na maipapasa ang 2021 national budget sa tamang oras

    “VERY optimistic” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maipapasa sa tamang oras ang panukalang 2021 national budget matapos na ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay pinal na naresolba ang bangayan sa speakership.   Ang pahayag na ito ni Presi- dential spokesperson Harry Roque ay matapos na palitan ni Marinduque Representative Lord Allan […]

  • CHRISTIAN, first time na gawin ang bed scene and torrid kissing scene with SEAN dahil kay Direk JOEL

    SINA Diego Loyzaga at Christian Bables ay mga Bekis on the Run, sa pinaka-aabangan na comedy-drama movie ng award-winning direktor na si Joel Lamangan, exclusive sa VIVAMAX ngayong September 17.     Sinubukan ni Andres (Diego) at ng kanyang bading na kapatid na si Donald (Christian) na nakawan ang isang construction site, ngunit wala sa plano nila ang […]