• December 1, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pdu30, sobrang kumpiyansa na maipapasa ang 2021 national budget sa tamang oras

“VERY optimistic” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maipapasa sa tamang oras ang panukalang 2021 national budget matapos na ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay pinal na naresolba ang bangayan sa speakership.

 

Ang pahayag na ito ni Presi- dential spokesperson Harry Roque ay matapos na palitan ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco si Taguig City Representative Alan Peter bilang House Speaker sa pamamagitan ng plenary vote, araw ng Martes.

 

“Now, the President is very optimistic na maipapasa po ‘yan kasi naisantabi na po ‘yung pulitika and they can now concentrate on passing the budget in the House,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Sec. Roque ang mga mambabatas sa pagsunod sa naging panawagan ni Pangulong Duterte na isantabi ang politika at ituon ang pansin sa pagpapasa sa 2021 budget, kung saan naglalaman ng pondo para sa COVID-19 response at recovery efforts.

 

“I think the message was received by everyone that the President really needed the early passage of the proposed 2021 budget. Kung hindi po siguro dahil dito ay lalo pang napahaba iyong agawan sa puwesto,” anito.

 

“Pero the President, I think, made it very, very clear that at the time of COVID, hindi pupuwedeng maantala iyong budget niya para maging kasagutan dito sa pandemyang ito. And we thank the House of Representatives for that,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Samantala, winelcome naman ni Budget Secretary Wendel Avisado ang naging kaganapan sa Kongreso.

 

“Kami po ay natutuwa at nagagalak na naresolba na po iyang leadership issue dahil nga po kagabi napag-usapan namin, eh we cannot afford a re-enacted budget at this time, lalo’t higit na patuloy nating kinakaharap ang pandemya,” aniya pa rin.

 

Nauna rito, nanawagan si Pangulong Duterte para sa special session ng Kongreso mula Oktubre 13 hanggang 16 para matiyak na nasa tamang oras ang pagpapasa ng budget bill. (Daris Jose)

Other News
  • Ads December 1, 2021

  • Buwanang pensiyon sa mga PWDs lusot na

    Lusot na sa Special Committee on Persons With Disabilities ang panukala na magkakaloob ng buwanang pensiyon sa mga kababayang may kapansanan o persons with disablity (PWDs).    Sa ilalim ng House Bill 7571 na inihain ni Bohol Rep. Alexie Tutor, layon dito na magtatag ng Social Pension Program sa ilalim ng Department of Social Welfare […]

  • Biden, magbibigay muli ng dagdag $800 million military assistance sa Ukraine

    IBINUNYAG ng isang US official na magbibigay ng karagdagang $800 million si US President Joe Biden bilang bagong military assistance para sa Ukraine.     Dadalhin nito ang kabuuang ipinangako na $1 bilyon sa nakaraang linggo at $2 bilyon mula noong simula ng Biden administration.     Kabilang sa bagong packages ang mga antitank missiles. […]