• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglobo ng COVID-19 ikokonsidera sa quarantine status sa Abril

Nilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na nakasalalay sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang magiging quarantine status sa Abril.

 

 

Sinabi ni Nograles na patuloy ang kanilang pagmomonitor sa mga nangyayari ngayon sa pagtaas ng bilang sa Pasay City at iba pang areas ng Metro Manila.

 

 

Ang genome sequencing ang kaila­ngan ngayon lalo na sa Metro Manila para ma-detect ang South African at UK variants at ang sinasabi pang dalawang worrisome na variants.

 

 

Kaya ayon pa kay Nograles ay patuloy nilang imo-monitor ang mga kaso ngayong buong Marso para siyang maging basehan para sa gagawing rekomendasyon ng quarantine status sa Abril.

 

 

Nitong nakaraang mga araw ay nakapagtala ang Department of Health ng mahigit na 3,000 na kaso ng COVID-19, dahil dito kaya pinulong na rin umano ng kagawaran ang mga ospital sa Metro Manila para talakayin ang pagtaas ng kaso.

 

 

Pabor naman si Nograles na co-chairman din ng Inter Agency Task Force (IATF) on emerging infectious disease, sa desisyon ng Metro Manila Mayors na ipagpaliban ang pagbubukas ng mga sinehan at arcades sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng patuloy na pagtaas ng coronavirus sa bansa.

Other News
  • NAVOTAS PINURI NI CONG. TIANGCO

    PINURI ni Congressman John Rey Tiangco ang Pamahalaang Lokal ng Navotas makaraang muling makamit nito ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) sa loob ng magkakasunod na anim na taon.     “Binabati ko po ang lahat ng kawani ng Pamahalaang Lokal ng Navotas, lalo na po ang ating butihing Ama […]

  • NCR ayuda distribution, pumalo na sa 70.29% – Año

    SINABI ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na naipamahagi na ang P7.9 bilyong piso mula sa P11.25 bilyong pisong ayuda para sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) recipients sa National Capital Region (NCR).   Ani Año, ang naipamahaging ayuda ay may katumbas na 70.29% ng ayuda allocation sa low-income individuals […]

  • Pinas, South Korea kailangan na magtulungan sa pagpo-promote ng rules-based order

    KAILANGANG magsanib-puwersa ang Pilipinas at South Korea sa pagpo-promote ng rules-based international order na pangangasiwaan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 Arbitral Award.   Sa isinagawang bilateral meeting ng Pangulo kay South Korean President Yoon Suk Yeol, sinabi ng una na panahon na para sa dalawang bansa na […]