• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagluluwag sa NCR, magdadala ng maraming trabaho — BBM

Umaasa si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na muling manunumbalik ang sigla ng ekonomiya at maglilikha ng maraming trabaho ang paglalagay ng pamahalaan sa mas maluwag na Alert Level 2 status sa Metro Manila.

 

 

Sa pahayag, sinabi ni Marcos na ito ang nauna na rin nilang panawagan na buksan na ang mga negosyo para makabawi at muling sumigla ang ekonomiya ng bansa.

 

 

“Nagpapasalamat po tayo sa pamahalaan sa mas maluwag na alert level status, dahil nakasisiguro tayo na mas marami itong make-create na trabaho at muli nang makakabawi ang ating ekonomiya,” pahayag ni Marcos.

 

 

Matatandaan na pumalo na sa 8.9 percent ang unemployment rate sa bansa nitong Setyembre 2021, at ito ang itinuturing na  pinakamataas ngayong taon.

 

 

“Umaasa tayo na marami pang negosyo ang magbubukas dahil sa maluwag na alert status at mas marami ang lumalabas na tao para tangkilikin ang mga negosyo,” dagdag ni Marcos

 

 

Kasabay nito, nanawagan naman si Marcos sa publiko na tuluy-tuloy pa rin ang pagsunod sa mga health protocols sa kabila nang pagluluwag ng alert status sa bansa.

 

 

Ayon sa kanya, hindi rin dapat magpakampante ang publiko kahit na patuloy na bumababa ang mga bilang ng tinatamaan ng Covid-19.

 

 

Nanawagan din si Marcos na patuloy pang palakasin ng pamahalaan ang pagpapabakuna sa publiko dahil ito ang pinakamabisang sandata para mapuksa ang virus.

Other News
  • Third-party POGO auditor, nakasunod sa lahat ng bidding requirements – PAGCOR

    WALA raw nakikita ang Philippine Amusement and Gaming Corporation chairman at Chief Executive Officer Alejandro Tengco na iregularidad sa kontrata ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Global ComRCI sa ating bansa.     Sinabi ng third-party auditor na nakakuha sa multi-billion peso contract para sa assessment ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na […]

  • First Footage Of ‘Uncharted’ Reveals A Glimpse Of Tom Holland and Mark Wahlberg’s Character

    THE first footage from the upcoming Uncharted film starring Tom Holland and Mark Wahlberg has been revealed.     In a new promotional video for Sony (https://www.youtube.com/watch?v=TF8MrJPTy7w) —which focuses on its employees — the tiniest tease of the movie was given, which showed a glimpse of Holland and Wahlberg’s characters Nathan Drake and Victor “Sully” Sullivan.     There’s not a whole lot […]

  • Willie Revillame hindi na tatakbo sa pulitika

    Nagdesisyon ang TV host Willie Revillame na hindi na tatakbo sa anumang posisyon sa 2022 elections.     Sinabi nito na nais niyang ipagpatuloy ang kaniyang TV show dahil sa ganitong paraan ay nakakatulong ito ng mas maraming tao.     Hindi aniya kailangan pang tumakbo sa anumang posisyon para makatulong sa kapwa.     […]