• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapalabas ng P1.5B augmentation funds para sa mga LGUs na matinding sinalanta ng bagyong Ulysses

INAPRUBAHAN ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang P1.5 billion na augmentation funds para sa local government units (LGUs) na matinding tinamaan ng bagyong  Ulysses.

 

Sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na hiwalay ang  P1.5 billion augmentation fund sa ibinigay na pondo para sa CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol, mga rehiyon na sinalanta naman ng mga bagyong Quinta at  Rolly.

 

“Katulad din po sa Typhoon Quinta and Rolly, aside from the P1.5 billion, meron din pong buffer na P500 million para po kung meron pang mga LGU na hindi naisama sa report, mabibigyan din po sila,” ayon sa Kalihim na ang tinutukoy ay ang nga lugar na apektado ng bagyong Ulysses.

 

Ipinag-utos ni Pangulong Duterte kay Sec. Avisado na ipalabas ang pondo sa  LGUs.

 

“If the papers have been released already pending my signature, you can release. I will sign it now,” aniya pa rin.

 

Sinabi pa ng Kalihim na ang pera ay agad na ipalalabas ng Bureau of Treasury, ngayong araw ng Martes.

 

Napaulat na dahil sa bagyong Ulysses ay may  73 katao ang namatay habang milyong katao naman ang nailikas ayon sa national disaster management council. (Daris Jose)

Other News
  • 738 iskul ipinagpaliban pagbubukas ng klase

    MAAANTALA ang pagbubukas ng klase ng 738 public schools sa apat na rehiyon sa bansa na itinakda sa Hulyo 29 (Lunes) bunsod ng mga pinsalang idinulot ng Habagat at bagyong Carina, ayon sa Department of Education (DepEd). Inihayag na rin ni DepEd Secretary Sonny Angara na hindi niya pipilitin na magbukas ng klase ang mga […]

  • Japanese tennis star Naomi Osaka bigo sa 1st round ng Cincinnati Open

    NABIGO  sa first round ng Cincinnati Open si Japanese tennis star Naomi Osaka.     Tinalo siya ni Zhang Shuai ng China sa score na 6-4, 7-5.     Ito ang pangatlong torneo ni Osaka mula ng magtamo ng Achilles injury.     Noong nakaraang linggo kasi ay umatras na ito sa opening round ng […]

  • Pedicab driver pinagsasaksak ng kainuman, malubha

    NASA malubhang kalagayan ang isang pedicab driver matapos pagsasaksakin ng kapitbahay makaraan ang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong mgga saksak sa katawan ang biktima na kinilalang si John Rey Ibañez, 50 ng R10 tulay ilalim, Pescador, Brgy., Bangkulasi.     […]