• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapalakas sa national security at economic development ngayong natitirang sesyon

INIHAYAG ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez nitong Martes na pagtutuunan ng pansin ng kamara ang lehislasyon ukol sa pagpapalakas ng national security at economic development sa natitirang sesyon ng 19th Congress.

 

 

“As we embark on another session this April 29th, our legislative focus sharpens on the dual imperatives of national security and robust development. Recognizing that peace is the cornerstone of prosperity, we aim to enact laws that fortify our national defense and enhance our international security posture,” pahayag ni Romualdez sa isang forum sa Department of Foreign Affairs (DFA) na dinaluhan ng mga diplomats at government officials.

 

 

Ayon sa Speaker, importante ang mga ganitong inisyatibo sa pagmementina ng soberanya at katatagan upang magawa ng bansa na maisulong ang mga development goals ng walang pangamba sa anumang uri ng pagbabanta mula sa kabas.

 

 

Kabilang sa development agenda ng kamara ay ang pagpapalawig pa sa ilang mahahalagang usapin tulad ng healthcare, education, at digital infrastructure.

 

 

Sa isyu ng healthcare, nakatuon ang Kamara sa pagpapalawig sa access at pagpapabuti ng kalidad ng serbisyo, gawing mas abot kaya at accessible sa bawat pinoy ang health care.

 

 

Habang sa inisyatibo naman sa edukasyon, layon ng kamara na magkaroon pa ng  liberalized system upang makasunod sa global standards at maturuan ang kabataan ng mga bagong kakayanan upang makasabay ito sa makabagong ekonomiya.

 

 

Gayundin, sa isyu ng digital infrastructure at nais nilang masiguro na ang bawat pinoy ay makikinabang mula sa digital revolution.

 

 

“We aim not only to continue our current path but to accelerate our efforts. We are exploring innovative legislative measures that promote technological advancement and environmental sustainability. These initiatives are designed to ensure that the Philippines not only keeps pace with global trends but also sets a benchmark for innovation and responsible governance,” dagdag nito. (Vina de Guzman)

Other News
  • Galvez nag-sorry sa mga ‘lapses’ sa protocols sa dolomite beach

    Humingi ng paumanhin sa publiko si National Task Force Against COVID-19 (NTF) chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa pagdagsa ng maraming tao sa dolomite beach sa Manila Bay.     Pinangangambahan kasi ng ilang health experts na maging super spreader event ang pagpunta ng libu-libong katao sa white sand area ng Manila […]

  • 53 lugar sa QC isinailalim sa lockdown, ayuda para sa 2 kumbento ng mga madre ipinadala na matapos ang Covid-19 outbreak

    Nadagdagan pa ang mga lugar dito sa Quezon City na isinailalim sa Special Concern Lockdown dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng Covid-19.     Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte nasa 53 na mga lugar ngayon ang nasa granular lockdown.     Nilinaw ng Alkalde na partikular lugar lamang ang sakop ng […]

  • LAKERS, ALAY KAY ‘BIG BROTHER’ KOBE BRYANT ANG NBA CHAMPIONSHIP

    INIALAY ng Los Angeles Lakers sa namayapang basketball icon na si Kobe Bryant ang kanilang pagkampeon sa NBA Finals.   Maaalalang nagulantang ang buong mundo sa biglaang pagpanaw ni Bryant, anak nitong si Gianna at pitong iba pa nang bumagsak ang sinakyan nilang helicopter sa bahagi ng California noong buwan ng Enero.   Ayon kay […]