• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapasara sa ilang tindahan ng face mask sa Maynila, ipinag-utos ni Yorme

Ipinag-utos ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang pagpapasara sa apat na tindahan ng face mask dahil sa overpricing.

 

Kabilang ang mga tindahan na pinasasara ang Ambitrend Trading, Cloud 7 Store, Cathay Oriental Chinese Store at LVD Chinese Drug Store na nasa isang mall sa Divisoria.

 

Matatandaang sinalakay noong Enero 31 ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang nasabing mga tindahan dahil sa mataas na presyo ng mask.

 

Bukod sa nasabing mga tindahan, sinabi ni Bureau of Permit Chief Levi Facundo na may ilan pang nakatakdang ipasara dahil din sa nasabing paglabag.

 

Kabilang dito ang MEC Medical Supply, New Genesis Medical Supplies, Medical shop at Citimed Polyclinic & Drugstore na napadalhan na ng show cause order.

 

Ayon kay Facundo, sumagot na ang nabanggit na mga tindahan sa show cause gayunman hinihintay pa ang magiging rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) hinggil dito. (Gene Adsuara)

Other News
  • Phoenix Suns nalusaw kay Jimmy Butler, Heat

    SINANDALAN ng Miami Heat si veteran scorer Jimmy Butler upang pasukuin ang Phoenix Suns, 104-96, sa 2022-2023 National Basketball Association (NB) regular season game kahapon.   Tumikada si Butler ng 20 puntos, anim na assists at limang rebounds upang tulungan ang Heat na ilista ang 21-19 karta at hawakan ang No. 8 spot sa Eastern […]

  • Paglaban sa pananakop ng Tsina, palalakasin- Goitia

    SUMIKLAB ang matinding batikos matapos kondenahin ni Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia, Chairman Emeritus ng Filipinos Do Not Yield Movement, ang pahayag ng Tsina na bahagi umano ng kanilang teritoryo ang Palawan. Ito’y makaraang tawagin ni Goitia na katawa-tawa, paglabag sa pandaigdigang batas , walang batayan at pang-iinsulto sa kaalaman ng Pilipino sa kanilang kasaysayan […]

  • FIBA saksi sa PBA bubble

    NASA Mies, Switzerland ang International Basketball Federation o FIBA headquarters, habang ang FIBA Asia ay nasa Beirut, Lebanon.   Pero nagmamatyag sila sa Clark Freeport Economic Zone sa Angeles City, Pampanga para masusing saksihan ang eksperimento ng PBA sa bubble sa pagpapatuloy sa 45 th Philippine Cup eliminations 2020 sa darating na Linggo, Oktubre 11. […]