Pagpapasara sa POGOs maraming sektor ang maaapektuhan
- Published on January 28, 2023
- by @peoplesbalita
NAGBABALA si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairman at Chief Executive Officer (CEO) Alejandro Tengco na maraming sektor ang maaapektuhan sa pagsasara ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).
Inihayag ni Tengco na hindi basta-basta ang pinagdadaanan ngayon ng mundo kabilang ang Pilipinas na nakakaranas ng krisis dahil sa digmaan ng Ukraine at Russia kung kaya ay apektado ang ekonomiya.
Ginawa ni Tengco ang pahayag nang tanungin tungkol sa posisyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) ngayong isasaalang-alang na mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapasara nito dahil sa hindi magandang naidulot nito sa bansa.
Bukod dito, sinabi rin ni Tengco na ang mga lisensyadong Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) na ito, tulad ng iba pang mga industriya, ay inaasahang kikita ng mas marami kumpara sa mga nakaraang taon na ang lahat ng industriya ay naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Sa kasalukuyan, halos 10% ng mga koleksyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay mula sa mga lisensya ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) licenses. (Daris Jose)
-
DINGDONG, ‘di napigilang i-share ang first time na makapag-swing si SIXTO; MARIAN, nakaalalay lang sa anak
NAKATUTUWA ang pinost na photos ni Dingdong Dantes sa kanyang IG account na kung saan nasubukan na rin ni Sixto ang mag-swing sa park kasama si Marian Rivera. Caption ni GMA Primetime King, “I couldn’t help myself from documenting his first time to try a swing since he was born. Wala pa kasi […]
-
Bar Exams magpapatuloy sa buwan ng Nobyembre
MAGPAPATULOY ang 2022 Bar examinations gaya ng orihinal na naka-iskedyul sa buwan ng Nobyembre ayon sa Korte Suprema. Inihayag ni SC spokesperson Brian Hosaka na magpapatuloy sa November 9, 13, 16, at 20 ang 2022 Bar Exams. Samantala, sinabi rin ni Hosaka na mayroong 9,916 examinees ang inaasahan para sa Bar […]
-
Walang problema kahit Chinese ang mapapangasawa: BENJAMIN, nakapagpatayo na ng bahay bago sila ikasal ni CHELSEA
SA January 28, 2024 na ang kasal nina Benjamin Alves at girlfriend niyang si Chelsea Robato, kaya excited na siya. Kuwento pa ng aktor, “Kapag napag-uusapan yung mga schedules, mga kulay, dun ako medyo nalulula kasi ang dami nga palang preparations, but we have a really great wedding coordinator, si Kim Torres.” […]